Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At kanilang tinulungan si David laban sa pulutong ng mga magnanakaw: sapagka't silang lahat ay mga makapangyarihang lalake na may tapang, at mga pinunong kawal sa hukbo.

New American Standard Bible

They helped David against the band of raiders, for they were all mighty men of valor, and were captains in the army.

Mga Paksa

Mga Halintulad

1 Samuel 30:1-17

At nangyari, nang si David at ang kaniyang mga lalake ay dumating sa Siclag, sa ikatlong araw, na ang mga Amalecita ay sumalakay sa Timugan, at sa Siclag, at sinaktan ang Siclag, at sinunog ng apoy;

1 Paralipomeno 5:24

At ang mga ito ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng kanilang mga magulang: sa makatuwid baga'y si Epher, at si Isi, at si Eliel, at si Azriel, at si Jeremias, at si Odavia, at si Jadiel, na mga makapangyarihang lalaking may tapang, na mga bantog na lalake, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.

1 Paralipomeno 11:10

Ang mga ito ang mga pinuno ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David, na napakilala na malakas na kasama niya sa kaniyang kaharian, na kasama ng buong Israel, upang gawin siyang hari, ayon sa salita ng Panginoon tungkol sa Israel.

1 Paralipomeno 11:21-22

Sa tatlo, siya'y lalong marangal kay sa dalawa, at ginawang kanilang pinunong kawal: gayon ma'y hindi siya umabot sa unang tatlo.

1 Paralipomeno 12:20

Sa pagparoon niya sa Siclag, ay nagsihilig sa kaniya mula sa Manases, si Adnas, at si Jozabad, at si Jediaiel, at si Michael, at si Jozabad at si Eliu, at si Sillethai, na mga pinunong kawal ng mga lilibuhin na nasa Manases.

Kaalaman ng Taludtod

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org