Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Ito ang ayos nila sa kanilang paglilingkod, upang pumasok sa bahay ng Panginoon ayon sa alituntunin na ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng kamay ni Aaron na kanilang magulang, gaya ng iniutos sa kaniya ng Panginoon, ng Dios ng Israel.

New American Standard Bible

These were their offices for their ministry when they came in to the house of the LORD according to the ordinance given to them through Aaron their father, just as the LORD God of Israel had commanded him.

Mga Halintulad

1 Paralipomeno 9:25

At ang kanilang mga kapatid, sa kanilang mga nayon, ay paroroon sa bawa't pitong araw, tuwing kapanahunan upang sumakanila:

1 Paralipomeno 24:1

At ang pagkabahagi ng mga anak ni Aaron ay ito. Ang mga anak ni Aaron; si Nadab at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar.

2 Paralipomeno 23:4

Ito ang bagay na inyong gagawin: isang ikatlong bahagi ninyo, na pumapasok sa sabbath, sa mga saserdote at sa mga Levita, magiging mga tagatanod-pinto;

2 Paralipomeno 23:8

Gayon ginawa ng mga Levita at ng buong Juda ang ayon sa lahat na iniutos ni Joiada na saserdote: at sila'y kumuha bawa't lalake ng kaniyang mga lalake, yaong nagsisipasok sa sabbath, na kasama niyaong nagsisilabas sa sabbath; sapagka't hindi pinayaon ni Joiada na saserdote ang mga pangkat.

1 Corinto 14:40

Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay.

Mga Hebreo 7:11

Ngayon kung may kasakdalan nga sa pamamagitan ng pagkasaserdote ng mga Levita (sapagka't sa ilalim nito ay tinanggap ng bayan ang kautusan), anong kailangan pa na magbangon ang ibang saserdote, ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec at hindi ibilang ayon sa pagkasaserdote ni Aaron?

Kaalaman ng Taludtod

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org