Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At nabilang sa kaniya na katuwiran, sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man.
New American Standard Bible
And it was reckoned to him for righteousness, To all generations forever.
Mga Halintulad
Mga Bilang 25:11-13
Pinawi ni Phinees na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron na saserdote, ang aking galit sa mga anak ni Israel, sa paraang siya'y nagsikap dahil sa aking pagsisikap sa kanila, na anopa't hindi ko nilipol ang mga anak ni Israel sa aking sikap.
Genesis 15:6
At sumampalataya siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kaniya.
Deuteronomio 24:13
Iyo ngang isasauli sa kaniya ang sangla paglubog ng araw, upang siya'y matulog sa kaniyang damit, at pagpalain ka: at magiging katuwiran mo sa harap ng Panginoon mong Dios.
Marcos 14:3-9
At samantalang siya'y nasa Betania sa bahay ni Simon na ketongin, samantalang siya'y nakaupo sa pagkain, ay dumating ang isang babae na may dalang isang sisidlang alabastro na puno ng unguentong nardo na totoong mahalaga; at binasag niya ang sisidlan, at ibinuhos sa kaniyang ulo.