Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At sinong lalake ang may itinanim na isang ubasan at hindi pa niya napapakinabangan ang bunga niyaon? siya'y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay, baka siya'y mamatay sa pakikibaka at ibang lalake ang makinabang ng bunga niyaon.

New American Standard Bible

'Who is the man that has planted a vineyard and has not begun to use its fruit? Let him depart and return to his house, otherwise he might die in the battle and another man would begin to use its fruit.

Mga Halintulad

Levitico 19:23-25

At pagka kayo'y papasok sa lupain, at nakapagtanim na kayo ng sarisaring punong kahoy na pagkain, ay aariin ninyo ang bunga niyaon na parang hindi sa tuli: tatlong taong aariin ninyong parang hindi sa tuli; hindi kakanin.

Deuteronomio 28:1-30

At mangyayaring kung iyong didingging masikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang isagawa ang lahat niyang utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay itataas ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bansa sa lupa:

Isaias 65:22

Sila'y hindi magtatayo, at iba ang tatahan; sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; sapagka't kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy, ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan, at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay.

Jeremias 31:5

Muli kang magtatanim ng mga ubasan sa mga bundok ng Samaria: ang mga manananim ay mangagtatanim, at mangagagalak sa bunga niyaon.

Sofonias 1:13

At ang kanilang kayamanan ay magiging samsam, at ang kanilang mga bahay ay kasiraan: oo, sila'y mangagtatayo ng mga bahay, nguni't hindi nila titirahan; at sila'y mag-uubasan, nguni't hindi sila magsisiinom ng alak niyaon.

Kaalaman ng Taludtod

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org