Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Kung ang isang pugad ng ibon ay magkataong masumpungan mo sa daan, sa anomang punong kahoy, o sa lupa, na may mga inakay, o mga itlog at humahalimhim ang inahin sa mga inakay, o sa mga itlog, ay huwag mong kukunin ang inahin na kasama ng mga inakay:

New American Standard Bible

"If you happen to come upon a bird's nest along the way, in any tree or on the ground, with young ones or eggs, and the mother sitting on the young or on the eggs, you shall not take the mother with the young;

Mga Halintulad

Levitico 22:28

At maging baka o tupa ay huwag ninyong papatayin sa isang araw siya at ang kaniyang anak.

Genesis 8:17

Ilabas mong kasama mo ang bawa't may buhay na kasama mo sa lahat ng laman, ang mga ibon, at ang mga hayop, at ang bawa't nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa; upang magsipanganak ng sagana sa lupa, at magpalaanakin, at mangagsidami sa ibabaw ng lupa.

Genesis 32:11

Iligtas mo ako, ipinamamanhik ko sa iyo, sa kamay ng aking kapatid, sa kamay ni Esau; sapagka't ako'y natatakot sa kaniya, baka siya'y dumating at ako'y saktan niya, ang ina pati ng mga anak.

Kawikaan 12:10

Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop: nguni't ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik.

Hosea 10:14

Kaya't babangon ang isang kagulo sa iyong mga bayan, at lahat ng iyong mga katibayan ay magigiba, na gaya ni Salman na gumiba sa Beth-arbel sa kaarawan ng pagbabaka: ang ina ay pinaglurayluray na kasama ng kaniyang mga anak.

Lucas 12:6

Hindi baga ipinagbibili ang limang maya sa dalawang beles? at isa man sa kanila ay hindi nalilimutan sa paningin ng Dios.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

5 Ang babae ay huwag mananamit ng nauukol sa lalake, ni ang lalake ay magsusuot ng pananamit ng babae; sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon mong Dios. 6 Kung ang isang pugad ng ibon ay magkataong masumpungan mo sa daan, sa anomang punong kahoy, o sa lupa, na may mga inakay, o mga itlog at humahalimhim ang inahin sa mga inakay, o sa mga itlog, ay huwag mong kukunin ang inahin na kasama ng mga inakay: 7 Sa anomang paraan, ay iyong pawawalan ang inahin, nguni't ang inakay ay makukuha mong sa iyo; upang ikabuti mo at upang tumagal ang iyong mga araw.

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org