Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At doo'y magtatayo ka ng isang dambana sa Panginoon mong Dios, ng isang dambana na mga bato; huwag mong pagbubuhatan ang mga ito ng kasangkapang bakal.
New American Standard Bible
"Moreover, you shall build there an altar to the LORD your God, an altar of stones; you shall not wield an iron tool on them.
Mga Halintulad
Exodo 20:25
At kung igagawa mo ako ng isang dambanang bato, ay huwag mong itatayong may tapyas: sapagka't kung iyong gamitin ang iyong patalim doon, ay iyong nilapastangan yaon.
Exodo 24:4
At sinulat ni Moises ang lahat ng mga salita ng Panginoon, at bumangon ng maaga sa kinaumagahan, at nagtayo ng isang dambana sa paanan ng bundok, at ng labing dalawang batong pinakaalaala, ayon sa labing dalawang lipi ng Israel.
Josue 8:30-31
Nang magkagayo'y ipinagtayo ni Josue ng isang dambana ang Panginoon, ang Dios ng Israel, sa bundok ng Ebal,
1 Mga Hari 18:31-32
At kumuha si Elias ng labing dalawang bato, ayon sa bilang ng mga lipi ng mga anak ni Jacob, na sa kaniya ang salita ng Panginoon ay dumating, na sinasabi, Israel ang magiging iyong pangalan.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
4 At mangyayari na pagtawid mo ng Jordan, na iyong ilalagay ang mga batong ito, na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito, sa bundok ng Ebal, at iyong tatapalan ng argamasa. 5 At doo'y magtatayo ka ng isang dambana sa Panginoon mong Dios, ng isang dambana na mga bato; huwag mong pagbubuhatan ang mga ito ng kasangkapang bakal. 6 Iyong itatayo na buong bato ang dambana ng Panginoon mong Dios, at maghahandog ka roon ng mga handog na susunugin, sa Panginoon mong Dios.