Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Magiging mapalad ka sa iyong pagpasok, at magiging mapalad ka sa iyong paglabas.
New American Standard Bible
"Blessed shall you be when you come in, and blessed shall you be when you go out.
Mga Halintulad
Awit 121:8
Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
Mga Bilang 27:17
Na makalalabas sa harap nila, at makapapasok sa harap nila, at makapaglalabas sa kanila, at makapagpapasok sa kanila; upang ang kapisanan ng Panginoon ay huwag maging parang mga tupa na walang pastor.
Deuteronomio 31:2
At kaniyang sinabi sa kanila, Ako'y may isang daan at dalawang pung taon sa araw na ito; hindi na ako makapaglalabas at pumasok; at sinabi ng Panginoon sa akin, Huwag kang tatawid sa Jordang ito.
2 Samuel 3:25
Nalalaman mo si Abner na anak ni Ner ay naparito upang dayain ka at upang maalaman ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, at upang maalaman ang lahat na iyong ginagawa.
2 Paralipomeno 1:10
Bigyan mo ako ngayon ng karunungan at kaalaman, upang ako'y makapaglabas pumasok sa harap ng bayang ito: sapagka't sinong makahahatol dito sa iyong bayan na totoong malaki?
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
5 Magiging mapalad ang iyong buslo at ang iyong palayok. 6 Magiging mapalad ka sa iyong pagpasok, at magiging mapalad ka sa iyong paglabas. 7 Pasasaktan ng Panginoon sa harap mo ang iyong mga kaaway na nagbabangon laban sa iyo: sila'y lalabas laban sa iyo sa isang daan at tatakas sa harap mo sa pitong daan.