Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Talastasin mo nga, na ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios: ang tapat na Dios, na nag-iingat ng tipan at naggagawad ng kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya, at tumutupad ng kaniyang mga utos, hanggang sa isang libong salin ng lahi;
New American Standard Bible
"Know therefore that the LORD your God, He is God, the faithful God, who keeps His covenant and His lovingkindness to a thousandth generation with those who love Him and keep His commandments;
Mga Paksa
Mga Halintulad
Daniel 9:4
At ako'y nanalangin sa Panginoon kong Dios, at ako'y nagpahayag ng kasalanan, at nagsabi, Oh Panginoon, Dios na dakila at kakilakilabot, na nagiingat ng tipan at kaawaan sa nagsisiibig sa iyo at nangagiingat ng iyong mga utos,
1 Corinto 1:9
Ang Dios ay tapat, na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa pakikisama ng kaniyang anak na si Jesucristo na Panginoon natin.
2 Timoteo 2:13
Kung tayo'y hindi mga tapat, siya'y nananatiling tapat; sapagka't hindi makapagkakaila sa kaniyang sarili.
Exodo 20:6
At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.
Deuteronomio 5:10
At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.
Nehemias 1:5
At nagsabi, Aking idinadalangin sa iyo, Oh Panginoon, na Dios ng langit, na dakila at kakilakilabot na Dios, na nagiingat ng tipan at kaawaan sa nagsisiibig sa kaniya, at nangagiingat ng kaniyang mga utos:
Isaias 49:7
Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Manunubos ng Israel, na kaniyang Banal, doon sa hinahamak ng tao, doon sa kinayayamutan ng bansa, sa lingkod ng mga pinuno, Ang mga hari at ang mga pangulo, ay mangakakakita at magsisibangon, at sila'y magsisisamba; dahil sa Panginoon na tapat, sa Banal ng Israel, na siyang pumili sa iyo.
1 Tesalonica 5:24
Tapat yaong sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito.
2 Corinto 1:18
Nguni't palibhasa'y ang Dios ay tapat, ang aming salita sa inyo ay di oo at hindi.
2 Tesalonica 3:3
Nguni't tapat ang Panginoon na magpapatibay sa inyo, at sa inyo'y magiingat sa masama.
Mga Hebreo 10:23
Na ating ingatang matibay ang pagkakilala ng ating pagasa upang huwag magalinlangan: sapagka't tapat ang nangako:
1 Juan 1:9
Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.
Genesis 17:7
At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo.
Exodo 34:6-7
At ang Panginoo'y nagdaan sa harap niya, na itinanyag, Ang Panginoon, ang Panginoong Dios na puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan;
Deuteronomio 4:35
Sa iyo ipinakita ito, upang iyong makilala na ang Panginoon ay siyang Dios; wala nang iba liban sa kaniya.
1 Paralipomeno 16:15
Alalahanin ninyo ang kaniyang tipan magpakailan man, Ang salita na kaniyang iniutos sa libolibong sali't saling lahi;
Awit 119:75
Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid, at sa pagtatapat, iyo akong dinalamhati.
Awit 146:6
Na gumawa ng langit at lupa, ng dagat, at ng lahat na nandoon; na nagiingat ng katotohanan magpakailan man:
Panaghoy 3:23
Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat.
Mga Taga-Roma 8:28
At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.
1 Corinto 8:3
Datapuwa't kung ang sinoman ay umiibig sa Dios, ay kilala niya ang gayon.
1 Corinto 10:3
At lahat ay nagsikain ng isang pagkain ding ayon sa espiritu;
Tito 1:2
Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan;
Mga Hebreo 6:18
Upang sa dalawang bagay na di mababago, na diya'y di maaaring ang Dios ay magbulaan, ay mangagkaroon tayo ng isang matibay na kasiglahan, tayong nangagsitakas na sumakanlong upang mangapit sa pagasang nalalagay sa ating unahan:
Mga Hebreo 11:11
Sa pananampalataya si Sara rin ay tumanggap ng lakas upang ipaglihi ang binhi, nang lipas na ang kaniyang gulang, palibhasa'y inari niyang tapat ang nangako:
Santiago 1:12
Mapalad ang taong nagtitiis ng tukso; sapagka't pagkasubok sa kaniya, siya'y tatanggap ng putong ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa kaniya.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
8 Kundi dahil sa inibig kayo ng Panginoon, at dahil sa kaniyang tinupad ang sumpa na kaniyang isinumpa sa inyong mga magulang, ay inilabas kayo ng Panginoon sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay at tinubos kayo sa bahay ng pagkaalipin, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto. 9 Talastasin mo nga, na ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios: ang tapat na Dios, na nag-iingat ng tipan at naggagawad ng kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya, at tumutupad ng kaniyang mga utos, hanggang sa isang libong salin ng lahi; 10 At pinanghihigantihan sa kanilang mukha, ang mga napopoot sa kaniya, upang lipulin: siya'y hindi magpapaliban doon sa napopoot sa kaniya, kaniyang panghihigantihan sa kaniya ring mukha.