Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At tumingin ako, at, narito, kayo'y nakapagkasala na laban sa Panginoon ninyong Dios: kayo'y nagsigawa para sa inyo ng isang guyang binubo: kayo'y lumihis na madali sa daan na iniutos sa inyo ng Panginoon.

New American Standard Bible

"And I saw that you had indeed sinned against the LORD your God. You had made for yourselves a molten calf; you had turned aside quickly from the way which the LORD had commanded you.

Mga Halintulad

Exodo 32:19

At nangyari paglapit niya sa kampamento, na kaniyang nakita ang guya at ang sayawan; at ang galit ni Moises ay naginit at kaniyang inihagis ang mga tapyas na nasa kaniyang mga kamay at nangasira sa paanan ng bundok.

Mga Gawa 7:40-41

Na sinasabi kay Aaron, Igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin: sapagka't tungkol dito kay Moises, na naglabas sa amin sa lupain ng Egipto, ay hindi namin nalalaman kung ano ang nangyari sa kaniya.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

15 Sa gayo'y pumihit ako at bumaba ako mula sa bundok, at ang bundok ay nagniningas sa apoy, at ang dalawang tapyas ng tipan ay nasa aking dalawang kamay. 16 At tumingin ako, at, narito, kayo'y nakapagkasala na laban sa Panginoon ninyong Dios: kayo'y nagsigawa para sa inyo ng isang guyang binubo: kayo'y lumihis na madali sa daan na iniutos sa inyo ng Panginoon. 17 At aking tinangnan ang dalawang tapyas, at aking inihagis sa aking dalawang kamay, at aking iniwalat sa harap ng inyong mga mata.

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org