Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Gayon din sa Horeb na inyong minungkahi ang Panginoon sa galit, at ang Panginoon ay nagalit sa inyo na kayo sana'y lilipulin.
New American Standard Bible
"Even at Horeb you provoked the LORD to wrath, and the LORD was so angry with you that He would have destroyed you.
Mga Halintulad
Exodo 32:7-10
At sinalita ng Panginoon kay Moises, Yumaon ka, bumaba ka, sapagka't ang iyong bayan, na iyong isinampa mula sa lupain ng Egipto ay nangagsisama:
Exodo 32:16
At ang mga tapyas ay gawa ng Dios, at ang sulat ay sulat ng Dios, na nakaukit sa mga tapyas.
Awit 106:19-22
Sila'y nagsigawa ng guya sa Horeb, at nagsisamba sa larawang binubo.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
7 Alalahanin mo, huwag mong kalimutan, kung paanong minungkahi mo sa galit ang Panginoon mong Dios sa ilang: mula nang araw na kayo'y umalis sa lupain ng Egipto, hanggang sa kayo'y dumating sa dakong ito ay naging mapanghimagsik kayo laban sa Panginoon. 8 Gayon din sa Horeb na inyong minungkahi ang Panginoon sa galit, at ang Panginoon ay nagalit sa inyo na kayo sana'y lilipulin. 9 Nang ako'y sumampa sa bundok upang tanggapin ang mga tapyas na bato, sa makatuwid baga'y ang mga tapyas ng tipan na ginawa ng Panginoon sa inyo, ay natira nga ako sa bundok na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig.