Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At inupasala ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron sa ilang:
New American Standard Bible
The whole congregation of the sons of Israel grumbled against Moses and Aaron in the wilderness.
Mga Paksa
Mga Halintulad
Exodo 15:24
At inupasala ng bayan si Moises, na sinasabi, Anong aming iinumin?
1 Corinto 10:10
Ni huwag din kayong mangagbulongbulungan, na gaya ng ilan sa kanila na nangagbulungan, at nangapahamak sa pamamagitan ng mga mangwawasak.
Awit 106:25
Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda, at hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon.
Genesis 19:4
Datapuwa't bago nagsihiga, ang bahay ay kinulong ng mga tao sa bayan sa makatuwid baga'y ng mga tao sa Sodoma, na mga binata at gayon din ng mga matanda ng buong bayan sa buong palibot;
Exodo 14:11
At kanilang sinabi kay Moises, Dahil ba sa walang libingan sa Egipto, kung kaya dinala mo kami rito upang mamatay sa ilang? bakit ka gumawa ng ganito sa amin, na inilabas mo kami sa Egipto?
Awit 106:7
Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto; hindi nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob, kundi naging mapanghimagsik sa dagat, sa makatuwid baga'y sa Dagat na Mapula.
Awit 106:13
Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa; hindi sila naghintay sa kaniyang payo:
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
1 At sila'y naglakbay mula sa Elim, at ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay dumating sa ilang ng Sin, na nasa pagitan ng Elim at Sinai, nang ikalabing limang araw ng ikalawang buwan, pagkatapos na sila'y makaalis sa lupain ng Egipto. 2 At inupasala ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron sa ilang: 3 At sinabi sa kanila ng mga anak ni Israel, Namatay na sana kami sa pamamagitan ng kamay ng Panginoon sa lupain ng Egipto, nang kami ay nauupo sa tabi ng mga palyok ng karne, nang kami ay kumakain ng tinapay hanggang sa mabusog; sapagka't kami ay inyong dinala sa ilang na ito, upang patayin ng gutom ang buong kapisanang ito.