Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At nanganak ng isang lalake, at kaniyang pinanganlan ng Gersom; sapagka't kaniyang sinabi, Ako'y nakipamayan sa ibang bayan.

New American Standard Bible

Then she gave birth to a son, and he named him Gershom, for he said, "I have been a sojourner in a foreign land."

Mga Halintulad

Mga Gawa 7:29

At sa salitang ito'y tumakas si Moises, at nakipamayan sa lupain ng Midian, na doo'y nagkaanak siya ng dalawang lalake.

Mga Hebreo 11:13-14

Ayon sa pananampalataya ay nangamatay ang lahat ng mga ito, na hindi kinamtan ang mga pangako, nguni't kanilang nangakita na natanaw mula sa malayo, at kanilang ipinahayag na sila'y pawang taga ibang bayan at manglalakbay sa ibabaw ng lupa.

Exodo 2:10

At ang bata ay lumaki, at kaniyang dinala sa anak ni Faraon, at siya'y kaniyang inaring anak. At kaniyang pinanganlang Moises, at sinabi, Sapagka't aking sinagip siya sa tubig.

Exodo 18:3-4

At ang dalawa niyang anak na lalake: na ang pangalan ng isa'y Gersom; sapagka't sinabi ni Moises, Ako'y nakipamayan sa ibang bayan.

Exodo 22:21

At ang taga ibang lupa ay huwag mong aapihin, o pipighatiin man; sapagka't kayo'y naging taga ibang lupa sa lupain ng Egipto.

1 Paralipomeno 16:20

At sila'y nagsiyaon sa bansa at bansa, At mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan.

1 Paralipomeno 23:14-17

Nguni't tungkol kay Moises na lalake ng Dios, ang kaniyang mga anak ay ibinilang na lipi ni Levi.

1 Paralipomeno 29:15

Sapagka't kami ay mga taga ibang lupa sa harap mo, at mga nakikipamayan, gaya ng lahat naming mga magulang: ang aming mga kaarawan sa lupa ay gaya ng anino, at hindi nagtatagal.

Awit 39:12

Iyong dinggin ang aking dalangin, Oh Panginoon, at pakinggan mo ang aking daing: huwag kang tumahimik sa aking mga luha: sapagka't ako'y taga ibang lupa na kasama mo; nakikipamayan na gaya ng lahat na aking mga magulang.

Awit 119:19

Ako'y nakikipamayan sa lupa: huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

21 At si Moises ay natuwa na makisuno sa lalaking yaon: at kaniyang pinapag-asawa kay Moises si Zephora na kaniyang anak. 22 At nanganak ng isang lalake, at kaniyang pinanganlan ng Gersom; sapagka't kaniyang sinabi, Ako'y nakipamayan sa ibang bayan. 23 At nangyari pagkaraan ng maraming araw na ang hari sa Egipto ay namatay; at ang mga anak ni Israel ay nagbuntong hininga dahil sa pagkaalipin, at sila'y dumaing at ang kanilang daing ay umabot sa Dios dahil sa pagkaalipin.

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org