Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At ang anak na babae ni Faraon ay lumusong upang maligo sa ilog; at nagsipaglakad ang kaniyang mga abay sa tabi ng ilog; at kaniyang nakita ang takba sa katalahiban, at ipinakuha sa kaniyang abay.
New American Standard Bible
The daughter of Pharaoh came down to bathe at the Nile, with her maidens walking alongside the Nile; and she saw the basket among the reeds and sent her maid, and she brought it to her.
Mga Halintulad
Exodo 7:15
Pumaroon ka kay Faraon kinaumagahan; narito, siya'y pasasa tubig; at ikaw ay tatayo sa tabi ng ilog upang matagpuan mo siya; at ang tungkod na naging ahas ay iyong tatangnan sa iyong kamay.
Exodo 8:20
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumangon kang maaga sa kinaumagahan, at tumayo ka sa harap ni Faraon; narito, siya'y pasasa tubig, at sabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon: Payaunin mo ang aking bayan upang sila'y makapaglingkod sa akin.
1 Mga Hari 17:6
At dinadalhan siya ng tinapay at laman ng mga uwak sa umaga, at tinapay at laman sa hapon, at siya'y umiinom sa batis.
Awit 9:9
Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati, matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan;
Awit 12:5
Dahil sa pagsamsam sa dukha, dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan, titindig nga ako, sabi ng Panginoon; ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian.
Awit 46:1
Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan.
Awit 76:10
Tunay na pupurihin ka ng poot ng tao: ang nalabi sa poot ay ibibigkis mo sa iyo.
Kawikaan 21:1
Ang puso ng hari ay nasa kamay ng Panginoon na parang mga batis: kumikiling saan man niya ibigin.
Jonas 1:17
At inihanda ng Panginoon ang isang malaking isda upang lamunin si Jonas; at si Jonas ay napasa tiyan ng isda na tatlong araw at tatlong gabi.
Jonas 2:10
At ang Panginoon ay nagsalita sa isda, at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa.
Mga Gawa 7:21
At nang siya'y matapon, ay pinulot siya ng anak na babae ni Faraon, at siya'y inalagaang gaya ng sariling anak niya.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
4 At tumayo sa malayo ang kaniyang kapatid na babae, upang maalaman ang mangyayari sa bata. 5 At ang anak na babae ni Faraon ay lumusong upang maligo sa ilog; at nagsipaglakad ang kaniyang mga abay sa tabi ng ilog; at kaniyang nakita ang takba sa katalahiban, at ipinakuha sa kaniyang abay. 6 At kaniyang binuksan, at nakita niya ang bata: at narito, ang sanggol ay umiyak. At kaniyang kinaawaan at sinabi, Ito'y isa sa mga anak ng mga Hebreo.