Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At ang ikalawang hanay, ay isang esmeralda, isang zapiro, at isang diamante;

New American Standard Bible

and the second row a turquoise, a sapphire and a diamond;

Mga Halintulad

Exodo 24:10

At kanilang nakita ang Dios ng Israel; at mayroon sa ilalim ng kaniyang mga paa na parang isang yaring lapag na batong zafiro, at paris din ng langit sa kaliwanagan.

Exodo 39:11

At ang ikalawang hanay, ay isang esmeralda, isang zafiro, at isang diamante.

Job 28:6

Ang mga bato nito'y kinaroroonan ng mga zafiro. At ito'y may alabok na ginto.

Job 28:16

Hindi mahahalagahan ng ginto sa Ophir, ng mahalagang onix, o ng zafiro.

Awit ng mga Awit 5:14

Ang kaniyang mga kamay ay gaya ng mga singsing na ginto na may lakip na berilo: ang kaniyang katawan ay gaya ng yaring garing na binalot ng mga zafiro.

Jeremias 17:1

Ang kasalanan ng Juda ay nasulat ng panulat na bakal, at ng dulo ng diamante: nakintal sa kanilang puso, at sa mga sungay ng inyong mga dambana;

Ezekiel 1:26

At sa itaas ng langit na nasa itaas ng kanilang mga ulo ay may kawangis ng isang luklukan na parang anyo ng batong zafiro; at sa ibabaw ng kawangis ng luklukan ay may kawangis ng isang tao sa itaas niyaon.

Ezekiel 10:1

Nang magkagayo'y tumingin ako, at, narito, sa langit na nasa ulunan ng mga kerubin, may nakita na parang isang batong zafiro, na parang isang luklukan.

Ezekiel 27:16

Naging mangangalakal mo ang Siria dahil sa karamihan ng iyong mga gawang kamay: sila'y nakikipagpalitan sa iyong mga kalakal ng mga esmeralda, kulay ube, at yaring may burda, at manipis na kayong lino, at gasang at mga rubi.

Ezekiel 28:13

Ikaw ay nasa Eden, na halamanan ng Dios; lahat na mahalagang bato ay iyong kasuutan, ang sardio, ang topacio, at ang diamante, ang berilo, ang onix, at ang jaspe, ang zafiro, ang esmeralda, at ang karbungko, at ang ginto: ang pagkayari ng iyong pandereta at iyong mga plauta ay napasa iyo; sa kaarawan na ikaw ay lalangin ay nangahanda.

Pahayag 4:3

At ang nakaupo ay katulad ng isang batong jaspe at isang sardio: at naliligid ng isang bahaghari na tulad sa anyo ng isang esmeralda.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

17 At iyong kakalupkupan ng mga kalupkop na mga bato, apat na hanay na bato: isang hanay na sardio, topacio, at karbungko ang magiging unang hanay; 18 At ang ikalawang hanay, ay isang esmeralda, isang zapiro, at isang diamante; 19 At ang ikatlong hanay ay isang hasinto, isang agata, at isang amatista;


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org