Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At kukuha sila ng ginto, at ng kayong bughaw, at ng kulay-ube, at ng pula, at ng lino.

New American Standard Bible

"They shall take the gold and the blue and the purple and the scarlet material and the fine linen.

Mga Halintulad

Exodo 25:3-4

At ito ang handog na inyong kukunin sa kanila; ginto, at pilak, at tanso;

Exodo 39:2-3

At kaniyang ginawa ang epod na ginto, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

4 At ito ang mga kasuutang kanilang gagawin; isang pektoral, at isang epod, at isang balabal, at isang tunika na tinahing guhitguhit na naaanyong pariparisukat, isang mitra at isang pamigkis: at kanilang igagawa ng mga banal na kasuutan si Aarong iyong kapatid, at ang kaniyang mga anak, upang makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote. 5 At kukuha sila ng ginto, at ng kayong bughaw, at ng kulay-ube, at ng pula, at ng lino. 6 At kanilang gagawin ang epod na ginto, at kayong bughaw, at kulay-ube, pula, at linong pinili, na yari ng bihasang mangbuburda.

n/a