Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Ang kapistahan ng tinapay na walang lebadura ay iyong ipangingilin. Pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura na gaya ng iniutos ko sa iyo, sa takdang panahon sa buwan ng Abib: sapagka't sa buwan ng Abib, ay umalis ka sa Egipto.

New American Standard Bible

"You shall observe the Feast of Unleavened Bread For seven days you are to eat unleavened bread, as I commanded you, at the appointed time in the month of Abib, for in the month of Abib you came out of Egypt.

Mga Halintulad

Exodo 13:4

Sa araw na ito ay umaalis kayo ng buwan ng Abib.

Levitico 23:6

At nang ikalabing limang araw ng buwang iyan, ay kapistahan ng tinapay na walang lebadura sa Panginoon: pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang lebadura.

Exodo 12:2

Ang buwang ito'y magiging sa inyo'y pasimula ng mga buwan: siyang magiging unang buwan ng taon sa inyo.

Exodo 12:15-20

Pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang lebadura; sa unang araw ay inyong ihihiwalay sa inyong mga bahay ang lebadura; sapagka't sinomang kumain ng tinapay na may lebadura mula sa unang araw hanggang sa ikapitong araw ay ihihiwalay sa Israel, ang taong yaon.

Exodo 13:6-7

Pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura, at sa ikapitong araw ay magiging isang kapistahan sa Panginoon.

Exodo 23:15

Ang pista ng tinapay na walang lebadura ay iyong ipagdidiwang; pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura, gaya ng iniutos ko sa iyo, sa takdang panahon, sa buwan ng Abib (sapagka't niyaon ka umalis sa Egipto); at walang lalapit sa harap ko na walang dala:

Deuteronomio 16:1-4

Magdidiwang ka sa buwan ng Abib, at ipangingilin ang paskua sa Panginoon mong Dios: sapagka't sa buwan ng Abib inilabas ka ng Panginoon mong Dios sa Egipto sa gabi.

Marcos 14:1

Pagkaraan nga ng dalawang araw ay kapistahan ng paskua at ng mga tinapay na walang lebadura: at pinagsisikapan ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba kung paanong siya'y huhulihin sa pamamagitan ng daya, at siya'y maipapatay.

Lucas 22:1

Malapit na nga ang pista ng mga tinapay na walang lebadura, na tinatawag na Paskua.

Mga Gawa 12:3

At nang makita niya na ito'y ikinatutuwa ng mga Judio, ay kaniya namang ipinagpatuloy na hulihin si Pedro. At noo'y mga araw ng mga tinapay na walang lebadura.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

17 Huwag kang gagawa para sa iyo ng mga dios na binubo. 18 Ang kapistahan ng tinapay na walang lebadura ay iyong ipangingilin. Pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura na gaya ng iniutos ko sa iyo, sa takdang panahon sa buwan ng Abib: sapagka't sa buwan ng Abib, ay umalis ka sa Egipto. 19 Yaong lahat na nagbubukas ng bahay-bata ay akin; at gayon din ang lahat ng hayop na lalake, ang panganay ng baka at ng tupa,


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org