Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Ang dulang at ang mga pingga niyan, at ang lahat ng kasangkapan niyan at ang tinapay na handog;
New American Standard Bible
the table and its poles, and all its utensils, and the bread of the Presence;
Mga Halintulad
Exodo 25:23-30
At gagawa ka ng isang dulang na kahoy na akasia: na may dalawang siko ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon, at isang siko't kalahati ang taas niyaon.
Levitico 24:5-6
At kukuha ka ng mainam na harina, at magluluto ka niyan ng labing dalawang munting tinapay: tigdadalawang ikasampung bahagi ng isang epa ang bawa't munting tinapay.
Exodo 37:10-16
At ginawa rin niya ang dulang na kahoy na akasia; na may dalawang siko ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon, at isang siko't kalahati ang taas niyaon:
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
12 Ang kaban, at ang mga pingga niyan, ang luklukan ng awa, at ang lambong ng tabing; 13 Ang dulang at ang mga pingga niyan, at ang lahat ng kasangkapan niyan at ang tinapay na handog; 14 Ang kandelero rin naman na pangilaw, at ang mga kasangkapan niyan, at ang mga ilawan niyan, at ang langis na pangilawan;