Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At kanilang ginawa ang mga batong onix na pinamutihan ng kalupkop na ginto, na ayos ukit ng isang panatak, ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel.
New American Standard Bible
They made the onyx stones, set in gold filigree settings; they were engraved like the engravings of a signet, according to the names of the sons of Israel.
Mga Halintulad
Exodo 28:9
At kukuha ka ng dalawang batong onix, at iyong iuukit na limbag sa ibabaw ng mga yaon ang mga pangalan ng mga anak ni Israel:
Exodo 25:7
Mga batong onix, at mga batong pangkalupkop sa efod, at sa pektoral.
Exodo 35:9
At mga batong onix, at mga batong pangkalupkop, na pang-epod, at pangpektoral.
Job 28:16
Hindi mahahalagahan ng ginto sa Ophir, ng mahalagang onix, o ng zafiro.
Ezekiel 28:13
Ikaw ay nasa Eden, na halamanan ng Dios; lahat na mahalagang bato ay iyong kasuutan, ang sardio, ang topacio, at ang diamante, ang berilo, ang onix, at ang jaspe, ang zafiro, ang esmeralda, at ang karbungko, at ang ginto: ang pagkayari ng iyong pandereta at iyong mga plauta ay napasa iyo; sa kaarawan na ikaw ay lalangin ay nangahanda.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
5 At ang mainam na pagkayaring pamigkis, na nasa ibabaw ng epod upang ibigkis, ay kaputol at gaya ng pagkayari ng epod; na ginto, at kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, linong pinili; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 6 At kanilang ginawa ang mga batong onix na pinamutihan ng kalupkop na ginto, na ayos ukit ng isang panatak, ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel. 7 At kaniyang inilagay sa ibabaw ng pangbalikat ng epod upang maging mga batong pinakaalaala sa ikagagaling ng mga anak ni Israel; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.