Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Kaya, Oh Oholiba, ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Narito, aking ibabangon ang mga mangingibig sa iyo laban sa iyo, na siyang pinagsawaan ng iyong kalooban, at aking dadalhin sila laban sa iyo sa lahat ng dako:

New American Standard Bible

"Therefore, O Oholibah, thus says the Lord GOD, 'Behold I will arouse your lovers against you, from whom you were alienated, and I will bring them against you from every side:

Mga Halintulad

Ezekiel 16:37

Kaya't, narito, aking pipisanin ang lahat na mangingibig sa iyo, na iyong pinagkaroonan ng kalayawan, at lahat ng iyong inibig, sangpu ng lahat na iyong kinapuotan; akin ngang pipisanin sila laban sa iyo sa bawa't dako, at aking ililitaw ang iyong kahubaran sa kanila, upang kanilang makita ang iyong buong kahubaran.

Isaias 10:5-6

Hoy, taga Asiria, na pamalo ng aking galit, siyang tungkod na kasangkapan ng aking pag-iinit.

Isaias 39:3-4

Nang magkagayo'y dumating si Isaias na propeta sa haring Ezechias, at nagsabi sa kaniya, Anong sinabi ng mga lalaking ito? at saan nanggaling na nagsiparito sila sa iyo? At sinabi ni Ezechias, Sila'y nagsiparito sa akin mula sa malayong lupain, sa Babilonia.

Jeremias 6:22-23

Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ang isang bayan ay nagmumula sa hilagaang lupain; at isang dakilang bansa ay pupukawin mula sa mga kaduluduluhang bahagi ng lupa.

Jeremias 12:9-12

Ang akin bagang mana sa akin ay naging parang mangdadagit na ibong batikbatik? ang mga mangdadagit na ibon baga ay laban sa kaniya sa palibot? kayo'y magsiyaon, inyong pagpulungin ang lahat na hayop sa parang, inyong dalhin sila rito upang magsipanakmal.

Ezekiel 23:9

Kaya't ibinigay ko siya sa kamay ng mga mangingibig sa kaniya, sa kamay ng mga taga Asiria, na siya niyang mga inibig.

Ezekiel 23:28

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ibibigay kita sa kamay ng mga ipinagtatanim mo, sa kamay ng mga pinagsawaan ng iyong kalooban;

Habacuc 1:6-10

Sapagka't narito, aking itinitindig ang mga Caldeo, yaong makapangingilabot at marahas na bansa, na lumalakad sa kaluwangan ng lupa, upang magari ng mga tahanang dako na hindi kanila.

Pahayag 17:16

At ang sangpung sungay na iyong nakita, at ang hayop, ay siyang nangapopoot sa patutot, at siya'y pababayaan at huhubaran, at kakanin ang kaniyang laman, at siya'y lubos na susupukin ng apoy.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

21 Ganito mo inalaala ang kahalayan ng iyong kadalagahan, sa pagkahipo ng iyong mga suso ng mga taga Egipto dahil sa mga suso ng iyong kadalagahan. 22 Kaya, Oh Oholiba, ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Narito, aking ibabangon ang mga mangingibig sa iyo laban sa iyo, na siyang pinagsawaan ng iyong kalooban, at aking dadalhin sila laban sa iyo sa lahat ng dako: 23 Ang mga taga Babilonia at lahat ng Caldeo, ang Pekod, at ang Soa, at ang Coa, at lahat ng taga Asiria na kasama nila; na mga binatang makisig, mga tagapamahala at mga pinuno silang lahat, mga prinsipe, at mga lalaking bantog, silang lahat ay nagsisisakay sa mga kabayo.


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org