Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At sila'y nagpatutot sa Egipto; sila'y nagpatutot sa kanilang kadalagahan: doo'y nangahigpit ang kanilang mga dibdib, at doo'y nangahipo ang mga suso ng kanilang pagkadalaga.
New American Standard Bible
and they played the harlot in Egypt. They played the harlot in their youth; there their breasts were pressed and there their virgin bosom was handled.
Mga Halintulad
Levitico 17:7
At huwag na nilang ihahain ang kanilang mga hain sa mga kambing na lalake na kanilang pinanaligan. Magiging palatuntunan nga magpakailan man sa kanila sa buong panahon ng kanilang lahi.
Josue 24:14
Ngayon nga ay matakot kayo sa Panginoon, at paglingkuran ninyo siya sa pagtatapat at sa katotohanan: at inyong alisin ang mga dios na mga pinaglingkuran ng inyong mga magulang sa dako roon ng Ilog at sa Egipto; at inyong paglingkuran ang Panginoon.
Ezekiel 16:22
At sa lahat ng iyong mga kasuklamsuklam, at ng iyong mga pakikiapid hindi mo inalaala ang mga kaarawan ng iyong kabataan, nang ikaw ay hubo at hubad, at nagugumon sa iyong dugo.
Deuteronomio 29:16
(Sapagka't talastas ninyo kung paanong tumahan tayo sa lupain ng Egipto; at kung paanong tayo'y pumasok sa gitna ng mga bansang inyong dinaanan;
Ezekiel 20:8
Nguni't sila'y nanghimagsik laban sa akin, at hindi nakinig sa akin; hindi itinakuwil ng bawa't isa sa kanila ang mga kasuklamsuklam ng kanilang mga mata, o nilimot man nila ang mga diosdiosan sa Egipto. Nang magkagayo'y sinabi kong aking ibubuhos sa kanila ang aking kapusukan, upang ganapin ko ang aking galit laban sa kanila, sa gitna ng lupain ng Egipto.
Ezekiel 23:8
Ni hindi man niya iniwan ang kaniyang mga pagpapatutot mula sa mga kaarawan ng Egipto, sapagka't sa kaniyang kadalagahan, sila'y sumisiping sa kaniya, at nangahipo nila ang mga suso ng kaniyang pagkadalaga; at kanilang ibinuhos ang kanilang pagpapatutot sa kaniya.
Ezekiel 23:19
Gayon ma'y kaniyang pinarami ang kaniyang mga pakikiapid, na inalaala ang mga kaarawan ng kaniyang kadalagahan, na kaniyang ipinagpatutot sa lupain ng Egipto,
Ezekiel 23:21
Ganito mo inalaala ang kahalayan ng iyong kadalagahan, sa pagkahipo ng iyong mga suso ng mga taga Egipto dahil sa mga suso ng iyong kadalagahan.
Hosea 2:15
At ibibigay ko sa kaniya ang kaniyang mga ubasan mula roon, at ang libis ng Achor na pinakapintuan ng pagasa; at siya'y sasagot doon, gaya ng mga kaarawan ng kaniyang kabataan, at gaya ng araw na siya'y sumampa mula sa lupain ng Egipto.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
2 Anak ng tao, may dalawang babae, na mga anak na babae ng isang ina: 3 At sila'y nagpatutot sa Egipto; sila'y nagpatutot sa kanilang kadalagahan: doo'y nangahigpit ang kanilang mga dibdib, at doo'y nangahipo ang mga suso ng kanilang pagkadalaga. 4 At ang mga pangalan nila ay Ohola ang matanda, at Oholiba ang kapatid niya: at sila'y naging akin at nanganak ng mga lalake at babae. At tungkol sa kanilang mga pangalan, Samaria ay Ohola, at Jerusalem ay Oholiba.