Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At ipinagkaloob niya sa kanila ang kaniyang pakikiapid, sa mga pinaka piling lalake sa Asiria sa kanilang lahat; at sa sino man na inibig niya, sa lahat nilang diosdiosan, ay nadumhan siya.
New American Standard Bible
"She bestowed her harlotries on them, all of whom were the choicest men of Assyria; and with all whom she lusted after, with all their idols she defiled herself.
Mga Halintulad
Hosea 5:3
Aking kilala ang Ephraim, at ang Israel na hindi lingid sa akin; sapagka't ngayon, Oh Ephraim, ikaw ay nagpatutot, ang Israel ay napahamak.
Hosea 6:10
Sa sangbahayan ni Israel ay nakakita ako ng kakilakilabot na bagay: doo'y nagpatutot ang Ephraim, ang Israel ay napahamak.
Ezekiel 20:7
At sinabi ko sa kanila, Itakuwil ng bawa't isa sa inyo ang mga bagay na kasuklamsuklam sa kaniyang mga mata, at huwag kayong mangahawa sa mga diosdiosan ng Egipto; ako ang Panginoon ninyong Dios.
Ezekiel 22:3-4
At iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Bayang nagbububo ng dugo sa gitna niya, na ang kaniyang panahon ay darating, at gumagawa ng mga diosdiosan laban sa kaniyang sarili, upang mapahamak siya!
Genesis 10:22
Ang mga anak ni Sem; si Elam, at si Assur, at si Arphaxad, at si Lud, at si Aram.
Awit 106:39
Ganito sila nagpakahawa sa kanilang mga gawa, at nagsiyaong nagpakarumi sa kanilang mga gawa.
Ezekiel 16:15
Nguni't ikaw ay tumiwala sa iyong kagandahan, at nagpatutot dahil sa iyong kabantugan, at ikinalat mo ang iyong mga pakikiapid sa bawa't nagdaraan; yao'y kaniya nga.
Ezekiel 23:30
Ang mga bagay na ito ay gagawin sa iyo, sapagka't ikaw ay nagpatutot sa mga bansa, at sapagka't ikaw ay nadumhan sa kanilang mga diosdiosan.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
6 Na nananamit ng kulay asul, ang mga tagapamahala at ang mga pinuno, silang lahat na binatang makisig, mga mangangabayo na nangakasakay sa mga kabayo. 7 At ipinagkaloob niya sa kanila ang kaniyang pakikiapid, sa mga pinaka piling lalake sa Asiria sa kanilang lahat; at sa sino man na inibig niya, sa lahat nilang diosdiosan, ay nadumhan siya. 8 Ni hindi man niya iniwan ang kaniyang mga pagpapatutot mula sa mga kaarawan ng Egipto, sapagka't sa kaniyang kadalagahan, sila'y sumisiping sa kaniya, at nangahipo nila ang mga suso ng kaniyang pagkadalaga; at kanilang ibinuhos ang kanilang pagpapatutot sa kaniya.