Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Sa Tafnes nama'y magdidilim ang araw, pagka aking inalis roon ang mga atang ng Egipto, at ang kapalaluan ng kaniyang kapangyarihan ay maglilikat doon: tungkol sa kaniya, ay tatakpan siya ng alapaap, at ang kaniyang mga anak na babae ay magsisipasok sa pagkabihag.

New American Standard Bible

"In Tehaphnehes the day will be dark When I break there the yoke bars of Egypt. Then the pride of her power will cease in her; A cloud will cover her, And her daughters will go into captivity.

Mga Halintulad

Ezekiel 30:3

Sapagka't ang kaarawan ay malapit na, sa makatuwid baga'y ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na; magiging kaarawan ng pagaalapaap; panahon ng mga bansa.

Isaias 10:27

At mangyayari sa araw na yaon, na ang atang niya ay mahihiwalay sa iyong balikat, at ang kaniyang ipinasan sa iyong leeg, at ang ipinasan ay malalagpak dahil sa pinahiran.

Jeremias 2:16

Binasag naman ng mga anak ng Memfis at ng Taphnes ang bao ng iyong ulo.

Exodo 10:15

Sapagka't tinakpan ng mga yaon ang balat ng buong lupa, na ano pa't ang lupain ay nagdilim; at kinain ang lahat na halaman sa lupain, at ang lahat na bunga ng mga kahoy na iniwan ng granizo; at walang natirang anomang sariwang bagay, maging sa punong kahoy o sa halaman sa parang, sa buong lupain ng Egipto.

Levitico 26:13

Ako ang Panginoon ninyong Dios, na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto, upang huwag kayong maging mga alipin nila; at sinira ko ang mga kahoy ng inyong pamatok, at pinalakad ko kayo ng mga ulong matuwid.

Isaias 5:30

At ang mga yao'y magsisiangal laban sa kanila sa araw na yaon na gaya ng hugong ng dagat: at kung tingnan ang lupain, narito, kadiliman at kahirapan, at ang liwanag ay magdidilim sa mga ulap niyaon.

Isaias 9:4

Sapagka't ang pamatok na kaniyang pasan, at ang pingga sa kaniyang balikat, ang panghampas ng mamimighati sa kaniya, ay iyong sinira na gaya sa kaarawan ng Madian.

Isaias 9:19

Sa poot ng Panginoon ng mga hukbo ay nasusunog ang lupain: ang bayan naman ay gaya ng panggatong sa apoy; walang taong mahahabag sa kaniyang kapatid.

Isaias 13:10

Sapagka't ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag.

Isaias 14:11

Ang iyong kahambugan ay nababa sa Sheol pati ng tunog ng iyong mga biola: ang uod ay nangangalat sa ilalim mo, at tinatakpan ka ng mga uod.

Isaias 14:25

Na aking lalansagin ang taga Asiria sa aking lupain, at sa aking mga bundok ay yayapakan ko siya sa ilalim ng paa; kung magkagayo'y mahihiwalay ang kaniyang atang sa kanila, at ang ipinasan niya ay mahihiwalay sa kanilang balikat.

Isaias 19:1

Ang hula tungkol sa Egipto. Narito, ang Panginoon ay nakasakay sa isang matuling alapaap, at napasasa Egipto: at ang mga diosdiosan ng Egipto ay makikilos sa kaniyang harapan, at ang puso ng Egipto ay manglulumo sa gitna niyaon.

Jeremias 43:7-9

At sila'y nagsipasok sa lupain ng Egipto; sapagka't hindi nila tinalima ang tinig ng Panginoon: at sila'y nagsiparoon hanggang sa Taphnes.

Jeremias 46:14

Ipahayag ninyo sa Egipto, at inyong ihayag sa Migdol, at inyong ihayag sa Memphis, at sa Taphnes: sabihin ninyo, Tumayo ka, at humanda ka; sapagka't ang tabak ay nanakmal sa palibot mo.

Jeremias 46:20-26

Ang Egipto ay napakagandang dumalagang baka; nguni't pagkasirang mula sa hilagaan ay dumarating, dumarating.

Ezekiel 29:15

Siyang magiging pinakamababa sa mga kaharian; at hindi na matataas pa man ng higit kay sa mga bansa: at aking babawasan sila, upang huwag na silang magpuno sa mga bansa.

Ezekiel 31:18

Sino ang gaya mong ganito sa kaluwalhatian at sa kalakhan sa gitna ng mga punong kahoy sa Eden? gayon ma'y mabababa ka na kasama ng mga punong kahoy sa Eden, sa pinakamalalim na bahagi ng lupa: ikaw ay malalagay sa gitna ng mga di tuli, na kasama nila na nangapatay ng tabak. Ito'y si Faraon at ang buo niyang karamihan, sabi ng Panginoong Dios.

Ezekiel 32:18-32

Anak ng tao, taghuyan mo ang karamihan ng Egipto, at ibaba mo sila, sa makatuwid baga'y siya, at ang mga anak na babae ng mga bantog na bansa, hanggang sa pinakamalalim na bahagi ng lupa, na kasama ng nagsibaba sa hukay.

Joel 3:15

Ang araw at ang buwan ay nagdidilim, at pinipigil ng mga bituin ang kanilang kislap.

Mateo 24:29

Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit:

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

17 Ang mga binata sa Aven at sa Pi-beseth ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; at ang mga ito ay magsisipasok sa pagkabihag. 18 Sa Tafnes nama'y magdidilim ang araw, pagka aking inalis roon ang mga atang ng Egipto, at ang kapalaluan ng kaniyang kapangyarihan ay maglilikat doon: tungkol sa kaniya, ay tatakpan siya ng alapaap, at ang kaniyang mga anak na babae ay magsisipasok sa pagkabihag. 19 Ganito maglalapat ako ng mga kahatulan sa Egipto; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org