Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Ang mga pasukan, at ang mga nasasarang dungawan, at ang mga galeria sa palibot sa tatlong grado, sa tapat ng pasukan, nakikisamihan ng tabla sa palibot, at mula sa lapag hanggang sa mga dungawan (natatakpan nga ang mga dungawan),

New American Standard Bible

The thresholds, the latticed windows and the galleries round about their three stories, opposite the threshold, were paneled with wood all around, and from the ground to the windows (but the windows were covered),

Mga Halintulad

1 Mga Hari 6:4

At iginawa ang bahay ng mga dungawan na may silahia.

1 Mga Hari 6:15

At kaniyang ginawa ang mga panig sa loob ng bahay na kahoy na sedro; mula sa lapag ng bahay hanggang sa mga panig ng kisame, na kaniyang binalot ng kahoy sa loob; at kaniyang tinakpan ang lapag ng bahay ng tabla na abeto.

Ezekiel 40:16

At may makikipot na dungawan sa mga silid ng bantay, at sa mga haligi ng mga yaon sa loob ng pintuang-daan sa palibot, at gayon din sa mga hubog; at ang mga dungawan ay nangasa palibot sa dakong loob; at sa bawa't haligi ay may mga puno ng palma.

Ezekiel 40:25

At may mga dungawan doon at sa mga hubog niyaon sa palibot, gaya ng mga dungawang yaon: ang haba ay limang pung siko, at ang luwang ay dalawang pu't limang siko.

2 Paralipomeno 3:5

At ang lalong malaking bahay ay kaniyang kinisamihan ng kahoy na abeto, na kaniyang binalot ng dalisay na ginto, at ginawan niya ng mga palma at mga tanikala.

Isaias 6:4

At ang mga patibayan ng mga pintuan ay nakilos sa tinig ng sumisigaw, at ang bahay ay napuno ng usok.

Ezekiel 41:25-26

At mga niyari sa mga yaon, sa mga pintuan ng templo, mga kerubin at mga puno ng palma, gaya ng niyari sa mga pader; at may pasukan na kahoy sa harap ng portiko sa labas.

Ezekiel 42:3

Sa tapat ng dalawang pung siko na ukol sa lalong loob na looban, at sa tapat ng lapag na ukol sa looban sa labas ng bahay, ay galeria sa tapat ng galeria na tatlong grado.

Hagai 1:4

Panahon baga sa inyo na tumahan sa inyong mga nakikisamihang bahay, samantalang ang bahay na ito ay namamalaging wasak?

1 Corinto 13:12

Sapagka't ngayo'y malabo tayong nakakikita sa isang salamin; nguni't pagkatapos ay makikita natin sa mukhaan: ngayo'y nakikilala ko ng bahagya, nguni't pagkatapos ay makikilala ko ng gaya naman ng pagkakilala sa akin.

Kaalaman ng Taludtod

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org