Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At sa pitong araw ng kapistahan ay ipaghahanda niya ng handog na susunugin ang Panginoon, pitong toro at pitong tupa na walang kapintasan sa araw-araw na pitong araw; at isang kambing araw-araw na pinakahandog dahil sa kasalanan.

New American Standard Bible

"During the seven days of the feast he shall provide as a burnt offering to the LORD seven bulls and seven rams without blemish on every day of the seven days, and a male goat daily for a sin offering.

Mga Halintulad

Levitico 23:8

Kundi maghahandog kayo sa Panginoon na pitong araw ng handog na pinaraan sa apoy; sa ikapitong araw ay magkakaroon ng banal na pagpupulong anomang gawang paglilingkod ay huwag ninyong gagawin.

Job 42:8

Kaya't magsikuha kayo sa inyo ngayon ng pitong guyang baka, at pitong lalaking tupa, at magsiparoon kayo sa aking lingkod na kay Job, at ihandog ninyo sa ganang inyo na pinakahandog na susunugin: at idadalangin kayo ng aking lingkod na si Job: sapagka't siya'y aking tatanggapin, baka kayo'y aking gawan ng ayon sa inyong kamangmangan; sapagka't hindi kayo nangagsasalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng aking lingkod na si Job.

Mga Bilang 23:1-2

At sinabi ni Balaam kay Balac, Ipagtayo mo ako rito ng pitong dambana, at ipaghanda mo ako rito ng pitong toro at ng pitong tupang lalake.

Mga Bilang 28:15-31

At isang kambing na lalake na pinakahandog sa Panginoon dahil sa kasalanan; ihahandog ito bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa inuming handog niyaon.

Mga Bilang 29:5

At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan upang itubos sa inyo:

Mga Bilang 29:11-38

Isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan, bukod pa sa handog dahil sa kasalanan na pangtubos at sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina, at sa mga inuming handog ng mga yaon.

Mga Hebreo 10:8-12

Sa itaas ay sinasabi, Mga hain at mga handog at mga handog na susunuging buo at mga haing patungkol sa kasalanan ay hindi mo ibig, at di mo rin kinalulugdan (mga bagay na inihahandog ayon sa kautusan),

Kaalaman ng Taludtod

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org