Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At si Sechanias na anak ni Jehiel, na isa sa mga anak ni Elam, ay sumagot at nagsabi kay Ezra: Kami ay nagsisalangsang laban sa ating Dios, at nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan ng lupain: gayon man, may pagasa sa Israel tungkol sa bagay na ito.
New American Standard Bible
Shecaniah the son of Jehiel, one of the sons of Elam, said to Ezra, "We have been unfaithful to our God and have married foreign women from the peoples of the land; yet now there is hope for Israel in spite of this.
Mga Halintulad
Nehemias 13:27
Didinggin nga ba namin kayo na inyong gawin ang lahat na malaking kasamaang ito, na sumalangsang laban sa ating Dios sa pagaasawa sa mga babaing taga ibang lupa?
Ezra 9:2
Sapagka't kinuha nila ang kanilang mga anak na babae sa ganang kanilang sarili, at sa kanilang mga anak na lalake, na anopa't ang banal na binhi ay nahalo nga sa bayan ng mga lupain: oo, ang kamay ng mga prinsipe at ng mga pinuno ay naging puno sa pagsalangsang na ito.
Exodo 34:6-7
At ang Panginoo'y nagdaan sa harap niya, na itinanyag, Ang Panginoon, ang Panginoong Dios na puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan;
Exodo 34:12
Magingat ka, na huwag kang makipagtipan sa mga tumatahan sa lupain na iyong pinaroroonan, baka maging isang silo sa gitna mo:
Ezra 2:7
Ang mga anak ni Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.
Ezra 10:26
At sa mga anak ni Elam: si Mathanias, si Zacharias, at si Jehiel, at si Abdi, at si Jeremoth, at si Elia.
Nehemias 3:29
Sumunod sa kanila ay hinusay ni Sadoc na anak ni Immer sa tapat ng kaniyang sariling bahay. At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Semaias na anak ni Sechanias na tagatanod ng pintuang silanganan.
Nehemias 7:12
Ang mga anak ni Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.
Nehemias 7:34
Ang mga anak ng isang Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.
Isaias 55:6-7
Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya'y masusumpungan, magsitawag kayo sa kaniya samantalang siya'y malapit:
Jeremias 3:12-13
Ikaw ay yumaon, at itanyag mo ang mga salitang ito sa dakong hilagaan, at iyong sabihin, Ikaw ay manumbalik, ikaw na tumatalikod na Israel, sabi ng Panginoon; hindi ako titinging may galit sa inyo: sapagka't ako'y maawain, sabi ng Panginoon, hindi ako magiingat ng galit magpakailan man.
Santiago 2:9
Datapuwa't kung kayo'y nagtatangi ng mga tao, ay nangagkakasala kayo, at kayo'y hinahatulan ng kautusan na gaya ng mga suwail.
1 Juan 1:7-9
Nguni't kung tayo'y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.
Ezra 2:31
Ang mga anak ng ibang Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
1 Habang si Ezra nga ay dumadalangin, at nagpapahayag ng kasalanan na umiiyak at nagpapatirapa sa harap ng bahay ng Dios, nagpipisan sa kaniya mula sa Israel ang isang napakalaking kapisanan ng mga lalake at mga babae at mga bata: sapagka't ang bayan ay umiyak na mainam. 2 At si Sechanias na anak ni Jehiel, na isa sa mga anak ni Elam, ay sumagot at nagsabi kay Ezra: Kami ay nagsisalangsang laban sa ating Dios, at nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan ng lupain: gayon man, may pagasa sa Israel tungkol sa bagay na ito. 3 Ngayon nga'y mangakipagtipan tayo sa ating Dios, na ating ihiwalay ang lahat na asawa, at ang mga ipinanganak nila, ayon sa payo ng aking panginoon, at niyaong mga nanginginig sa utos ng ating Dios; at gawin ayon sa kautusan.