Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At aking sinugo sila kay Iddo na pangulo sa dako ng Casipia; at aking sinaysay sa kanila kung ano ang kanilang nararapat sabihin kay Iddo, at sa kaniyang mga kapatid na mga Nethineo, sa dako ng Casipia, upang sila'y mangagdala sa atin ng mga tagapangasiwa sa bahay ng ating Dios.
New American Standard Bible
I sent them to Iddo the leading man at the place Casiphia; and I told them what to say to Iddo and his brothers, the temple servants at the place Casiphia, that is, to bring ministers to us for the house of our God.
Mga Paksa
Mga Halintulad
Ezra 2:43
Ang mga Nethineo: ang mga anak ni Siha, ang mga anak ni Hasupha, ang mga anak ni Thabaoth.
Exodo 4:15
At ikaw ay magsasalita sa kaniya, at iyong isasabibig niya ang mga salita; at ako'y sasaiyong bibig at sasakaniyang bibig, at aking ituturo sa inyo, kung ano ang inyong gagawin.
Mga Bilang 8:22-26
At pagkatapos niyaon ay nagsipasok ang mga Levita upang gawin ang kanilang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan sa harap ni Aaron at sa harap ng kaniyang mga anak: kung paano ang iniutos ng Panginoon kay Moises tungkol sa mga Levita, ay gayon ang ginawa nila sa kanila.
Mga Bilang 18:6
At ako, narito, aking pinili ang inyong mga kapatid na mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel: sa inyo sila ay isang kaloob, na bigay sa Panginoon, upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.
Deuteronomio 18:18
Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya.
2 Samuel 14:3
At pasukin mo ang hari, at magsalita ka ng ganitong paraan sa kaniya. Sa gayo'y inilagay ni Joab ang mga salita sa kaniyang bibig.
2 Samuel 14:19
At sinabi ng hari, sumasaiyo ba ang kamay ni Joab sa bagay na ito? At sumagot ang babae at nagsabi, Buhay ang iyong kaluluwa, panginoon ko na hari, walang makaliliko sa kanan o sa kaliwa sa anoman na sinalita ng aking panginoon na hari, sapagka't ang iyong lingkod na si Joab ay siyang nagutos sa akin, at siyang naglagay ng lahat ng mga salitang ito sa bibig ng iyong lingkod:
1 Paralipomeno 23:3-6
At ang mga Levita ay binilang mula sa tatlongpung taon na patanda: at ang kanilang bilang, ayon sa kanilang mga ulo, lalake't lalake, ay tatlongpu't walong libo.
1 Paralipomeno 23:26-32
At ang mga Levita naman ay hindi na magkakailangan pang pasanin ang tabernakulo at ang lahat na kasangkapan niyaon sa paglilingkod doon.
Ezra 2:58
Lahat ng mga Nethineo, at ng mga anak ng mga lingkod ni Salomon, tatlong daan at siyam na pu't dalawa.
Ezra 7:7
At nakiahon sa Jerusalem ang ilan sa mga anak ni Israel, at sa mga saserdote, at sa mga Levita, at sa mga mangaawit, at sa mga tagatanod-pinto, at sa mga Nethineo, sa ikapitong taon ni Artajerjes na hari.
Jeremias 1:9
Nang magkagayo'y iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, at hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig:
Jeremias 15:19
Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Kung ikaw ay magbalikloob, papananauliin nga kita upang ikaw ay makatayo sa harap ko; at kung iyong ihiwalay ang may halaga sa walang halaga, ikaw ay magiging parang aking bibig: sila'y manunumbalik sa iyo, nguni't hindi ka manunumbalik sa kanila.
Tito 1:5
Dahil dito'y iniwan kita sa Creta, upang husayin mo ang mga bagay na nagkukulang, at maghalal ng mga matanda sa bawa't bayan, na gaya ng ipinagbilin ko sa iyo;
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
16 Nang magkagayo'y ipinasundo ko si Eliezer, si Ariel, si Semaias, at si Elnathan, at si Jarib, at si Elnathan, at si Nathan, at si Zacarias, at si Mesullam, na mga pangulong lalake; gayon din si Joiarib, at si Elnathan, na mga tagapagturo. 17 At aking sinugo sila kay Iddo na pangulo sa dako ng Casipia; at aking sinaysay sa kanila kung ano ang kanilang nararapat sabihin kay Iddo, at sa kaniyang mga kapatid na mga Nethineo, sa dako ng Casipia, upang sila'y mangagdala sa atin ng mga tagapangasiwa sa bahay ng ating Dios. 18 At ayon sa mabuting kamay ng ating Dios na sumasa atin ay nagdala sila sa atin ng isang lalake na matalino, sa mga anak ni Mahali, na anak ni Levi, na anak ni Israel; at si Serebias, pati ng kaniyang mga anak na lalake at mga kapatid, labing walo: