Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At sinabi ni Cain sa Panginoon, Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko.
New American Standard Bible
Cain said to the LORD, "My punishment is too great to bear!
Mga Halintulad
Job 15:22
Siya'y hindi naniniwala na babalik siya na mula sa kadiliman, at siya'y hinihintay ng tabak:
Pahayag 16:9
At nangasunog ang mga tao sa matinding init: at sila'y namusong sa pangalan ng Dios na may kapangyarihan sa mga salot na ito; at hindi sila nangagsisi upang siya'y luwalhatiin.
Pahayag 16:11
At sila'y namusong sa Dios ng langit dahil sa kanilang mga hirap at sa kanilang mga sugat; at hindi sila nangagsisi sa kanilang mga gawa.
Pahayag 16:21
At malaking granizo na kasinglaki ng talento ay lumagpak sa mga tao buhat sa langit, at namusong ang mga tao sa Dios dahil sa salot na granizo; sapagka't ang salot na ito ay lubhang malaki.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
12 Pagbubukid mo ng lupa, ay di na ibibigay mula ngayon sa iyo ang kaniyang lakas; ikaw ay magiging palaboy at hampas-lupa sa lupa. 13 At sinabi ni Cain sa Panginoon, Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko. 14 Narito, ako'y iyong itinataboy ngayon mula sa ibabaw ng lupa, at sa iyong harapan ay magtatago ako; at ako'y magiging palaboy at hampaslupa; at mangyayari, na sinomang makasumpong sa akin ay papatayin ako.