Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Datapuwa't ang puno ng mga magtitinapay, ay ibinitin sa isang puno ng kahoy: gaya ng ipinaliwanag sa kanila ni Jose.
New American Standard Bible
but he hanged the chief baker, just as Joseph had interpreted to them.
Mga Halintulad
Genesis 40:19
Sa loob ng tatlo pang araw ay itataas ni Faraon ang iyong ulo, at ibibitin ka sa isang punong kahoy; at kakanin ng mga ibon ang iyong laman.
Genesis 40:8
At kanilang sinabi sa kaniya, Kami ay nanaginip ng panaginip, at walang sinomang makapagpaliwanag. At sinabi sa kanila ni Jose, Hindi ba ukol sa Dios ang mga paliwanag? Isinasamo ko sa inyo, na inyong saysayin sa akin.
Genesis 41:11-13
At nanaginip kami ng panaginip sa isang gabi, ako at siya: kami ay kapuwa nanaginip ayon sa kapaliwanagan ng panaginip ng isa't isa sa amin.
Genesis 41:16
At sumagot si Jose kay Faraon, na sinasabi, Wala sa akin; Dios ang magbibigay ng sagot sa kapayapaan kay Faraon.
Jeremias 23:28
Ang propeta na nanaginip, ay magsaysay siya ng isang panaginip; at siyang nagtamo ng aking salita, salitain niya ang aking salita na may pagtatapat. Ano ang dayami sa trigo? sabi ng Panginoon.
Daniel 2:19-23
Nang magkagayo'y nahayag ang lihim kay Daniel sa isang pangitain sa gabi. Nang magkagayo'y pinuri ni Daniel ang Dios sa langit.
Daniel 2:30
Nguni't tungkol sa akin ang lihim na ito ay hindi nahayag sa akin ng dahil sa anomang karunungan na tinamo kong higit kay sa sinomang may buhay, kundi upang maipaaninaw sa hari ang kahulugan at upang iyong maalaman ang mga pagiisip ng iyong puso.
Daniel 5:12
Palibhasa'y isang marilag na espiritu, at kaalaman, at unawa, pagpapaaninaw ng mga panaginip, at pagpapakilala ng mga malabong salita, at pagpapaliwanag ng pagaalinlangan, ay nangasumpungan sa Daniel na iyan, na pinanganlan ng hari na Beltsasar. Tawagin nga si Daniel, at kaniyang ipaaaninaw ang kahulugan.
Mga Gawa 5:30
Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
21 At ibinalik niya ang puno ng mga katiwala ng saro sa kaniyang pagkakatiwala ng saro; at ibinigay niya ang saro sa kamay ni Faraon: 22 Datapuwa't ang puno ng mga magtitinapay, ay ibinitin sa isang puno ng kahoy: gaya ng ipinaliwanag sa kanila ni Jose. 23 Gayon ma'y hindi na naalaala si Jose ng puno ng mga katiwala ng saro, kundi nalimutan siya.