Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At pinaroonan sila ni Jose sa kinaumagahan, at sila'y tiningnan, at, narito, sila'y mapanglaw.

New American Standard Bible

When Joseph came to them in the morning and observed them, behold, they were dejected.

Mga Halintulad

Genesis 40:8

At kanilang sinabi sa kaniya, Kami ay nanaginip ng panaginip, at walang sinomang makapagpaliwanag. At sinabi sa kanila ni Jose, Hindi ba ukol sa Dios ang mga paliwanag? Isinasamo ko sa inyo, na inyong saysayin sa akin.

Genesis 41:8

At nangyari, sa kinaumagahan, na ang kaniyang diwa ay nagulumihanan at siya'y nagsugo at kaniyang ipinatawag ang lahat ng mago sa Egipto, at ang lahat ng pantas doon: at isinaysay ni Faraon sa kanila ang kaniyang panaginip: datapuwa't walang makapagpaliwanag kay Faraon.

Daniel 2:1-3

At nang ikalawang taon ng paghahari ni Nabucodonosor ay nanaginip si Nabucodonosor ng mga panaginip; at ang kaniyang espiritu ay nabagabag, at siya'y napukaw sa pagkakatulog.

Daniel 4:5

Ako'y nakakita ng isang pangitain na tumakot sa akin; at ang pagiisip ko sa aking higaan at ang mga pangitain na suma aking ulo ay bumagabag sa akin.

Daniel 5:6

Nang magkagayo'y nagbago ang pagmumukha ng hari, at binagabag siya ng kaniyang mga pagiisip; at ang pagkakasugpong ng kaniyang mga balakang ay nakalag, at ang kaniyang mga tuhod ay nagkaumpugan.

Daniel 7:28

Narito ang wakas ng bagay. Tungkol sa aking si Daniel, ay binabagabag akong mabuti ng aking mga pagiisip, at ang aking pagmumukha ay nabago: nguni't iningatan ko ang bagay sa aking puso.

Daniel 8:27

At akong si Daniel ay nanglupaypay, at nagkasakit na ilang araw; nang magkagayon ako'y nagbangon, at ginawa ko ang mga gawain ng hari: at ako'y natigilan sa pangitain, nguni't walang nakakaunawa.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

5 At ang katiwala at ang magtitinapay ng hari sa Egipto na nangabibilango sa bilangguan, ay kapuwa nanaginip ng kanikaniyang panaginip sa isang gabi, na bawa't isa ayon sa paliwanag ng kanikaniyang panaginip. 6 At pinaroonan sila ni Jose sa kinaumagahan, at sila'y tiningnan, at, narito, sila'y mapanglaw. 7 At kaniyang tinanong ang mga tagapamahala ni Faraon, na mga kasama niya sa bilangguan sa bahay ng kaniyang panginoon, na sinasabi, Bakit kayo'y mapanglaw ngayon?


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org