Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At, narito, may pitong uhay na payat at tinutuyo ng hanging silanganan, na nagsitubong kasunod ng mga yaon.
New American Standard Bible
Then behold, seven ears, thin and scorched by the east wind, sprouted up after them.
Mga Halintulad
Ezekiel 17:10
Oo, narito, yamang natanim ay giginhawa baga? hindi baga lubos na matutuyo pagka nahipan siya ng hanging silanganan? matutuyo sa mga pitak na tinubuan niya.
Ezekiel 19:12
Nguni't siya'y nabunot sa pag-aalab ng loob, siya'y nahagis sa lupa, at tinuyo ng hanging silanganan ang bunga niya: ang kaniyang mga matibay na tutungkurin ay nangabali at nagsidupok; pinagsupok sa apoy.
Hosea 13:15
Bagaman siya'y mabunga sa kaniyang mga kapatid, isang hanging silanganan ay darating, ang hinga ng Panginoon ay umiilanglang mula sa ilang; at ang kaniyang tipunan ng tubig ay magiging tuyo, at ang kaniyang bukal ay matutuyo: kaniyang sasamsamin ang kayamanan ng lahat na maligayang kasangkapan.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
5 At siya'y natulog at nanaginip na bilang ikalawa; at, narito may sumupling na pitong uhay na mabibintog at mabubuti, na may isa lamang tangkay. 6 At, narito, may pitong uhay na payat at tinutuyo ng hanging silanganan, na nagsitubong kasunod ng mga yaon. 7 At nilamon ng mga uhay na payat ang pitong uhay na mabibintog at malulusog. At nagising si Faraon, at, narito, isang panaginip.