Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At kaniyang binasbasan sila ng araw na yaon, na sinasabi Sa iyo magbabasbas ang Israel, na magsasabi, Gawin ka nawa ng Dios na gaya ni Ephraim at gaya ni Manases, at kaniyang ipinagpauna si Ephraim bago si Manases.

New American Standard Bible

He blessed them that day, saying, "By you Israel will pronounce blessing, saying, 'May God make you like Ephraim and Manasseh!'" Thus he put Ephraim before Manasseh.

Mga Halintulad

Ruth 4:11-12

At ang buong bayan na nasa pintuang-bayan, at ang mga matanda ay nagsabi, Kami ay mga saksi. Gawin ng Panginoon ang babae na pumapasok sa iyong bahay, na gaya ni Rachel at gaya ni Lea, na silang dalawa ang nagtatag ng sangbahayan ni Israel, at maging makapangyarihan ka sa Ephrata, at maging bantog sa Bethlehem:

Genesis 24:60

At kanilang binasbasan si Rebeca, at sinabi nila sa kaniya, Kapatid namin, maging ina ka nawa ng yutayuta, at kamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan niyaong mga napopoot sa kanila.

Genesis 28:3

At ikaw ay pagpalain nawa ng Dios na Makapangyarihan sa lahat, at ikaw ay palaguin, at ikaw ay paramihin, upang ikaw ay maging kapisanan ng mga bayan;

Mga Bilang 2:18-21

Sa dakong kalunuran ay malalagay ang watawat ng kampamento ng Ephraim, ayon sa kanilang mga hukbo: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Ephraim ay si Elisama na anak ni Ammiud.

Mga Bilang 7:48

Nang ikapitong araw ay si Elisama na anak ni Ammiud, na prinsipe sa mga anak ni Ephraim:

Mga Bilang 7:54

Nang ikawalong araw ay si Gamaliel na anak ni Pedasur, na prinsipe sa mga anak ni Manases:

Mga Bilang 10:22-23

At ang watawat ng kampamento ng mga anak ni Ephraim ay nagsisulong ayon sa kanilang mga hukbo: at nangungulo sa kaniyang hukbo si Elisama na anak ni Ammiud.

Mga Bilang 13:8

Sa lipi ni Efraim, ay si Oseas na anak ni Nun.

Mga Bilang 13:11

Sa lipi ni Jose, sa makatuwid baga'y sa lipi ni Manases, ay si Gaddi na anak ni Susi.

Mga Bilang 13:16

Ito ang mga pangalan ng mga lalake na sinugo ni Moises upang tiktikan ang lupain. At tinawag ni Moises na Josue ang anak ni Nun na si Oseas.

Kaalaman ng Taludtod

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org