Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Siyang iyong kapahamakan Oh Israel, na ikaw ay laban sa akin, laban sa iyong katulong.

New American Standard Bible

It is your destruction, O Israel, That you are against Me, against your help.

Mga Halintulad

Deuteronomio 33:26

Walang gaya ng Dios, Oh Jeshurun, Na sumasakay sa langit dahil sa pagtulong sa iyo, At sa himpapawid dahil sa kaniyang karangalan.

Jeremias 2:17

Hindi mo baga pinapangyari ito sa iyong sarili, dahil sa iyong pagpapabaya sa Panginoon mong Dios, nang kaniyang patnubayan ka sa daan?

Jeremias 2:19

Sasawayin ka ng iyong sariling kasamaan, at sasawayin ka ng iyong mga pagtalikod: talastasin mo nga at iyong tingnan na masamang bagay at kapanglawpanglaw, na iyong pinabayaan ang Panginoon mong Dios: at ang takot sa akin ay wala sa iyo, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.

Deuteronomio 33:29

Maginhawa ka, Oh Israel: Sino ang gaya mo, bayang iniligtas ng Panginoon, Ng kalasag na iyong tulong, At siyang tabak ng iyong karangalan! At ang iyong mga kaaway ay susuko sa iyo: At ikaw ay tutungtong sa kanilang mga matataas na dako.

2 Mga Hari 17:7-17

At nagkagayon, sapagka't ang mga anak ni Israel ay nangagkasala laban sa Panginoon nilang Dios, na siyang nagahon sa kanila mula sa lupain ng Egipto, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto, at sila'y natakot sa ibang mga dios.

Awit 33:20

Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon: siya'y aming saklolo at aming kalasag.

Awit 46:1

Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan.

Awit 121:1-2

Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo?

Awit 146:5

Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob, na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios:

Kawikaan 6:32

Siyang nagkakamit ng pangangalunya sa isang babae ay walang bait: ang gumagawa niyaon ay nagpapahamak sa kaniyang sariling kaluluwa.

Kawikaan 8:36

Nguni't siyang nagkakasala laban sa akin ay nagliligaw ng kaniyang sariling kaluluwa; silang lahat na nangagtatanim sa akin ay nagsisiibig ng kamatayan.

Isaias 3:9

Ang kanilang pagtatangi ng mga tao ay sumasaksi laban sa kanila; at kanilang ipinahahayag ang kanilang mga kasalanan na gaya ng Sodoma, hindi nila ikinukubli. Sa aba ng kanilang kaluluwa! sapagka't sila'y nagsiganti ng kasamaan sa kanilang sarili.

Isaias 3:11

Sa aba ng masama! ikasasama niya: sapagka't ang kagantihan sa kaniyang mga kamay ay mabibigay sa kaniya.

Jeremias 4:18

Ang iyong lakad at ang iyong mga gawa ay nagsikap ng mga bagay na ito sa iyo: ito ang iyong kasamaan; sapagka't napakasama, sapagka't tinataglay ng iyong puso.

Jeremias 5:25

Ang inyong mga kasamaan ang nangaghiwalay ng mga bagay na ito, at ang inyong mga kasalanan ang nagsipigil sa inyo ng kabutihan.

Hosea 13:4

Gayon ma'y ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto; at wala kang makikilalang Dios kundi ako, at liban sa akin ay walang tagapagligtas.

Hosea 14:1

Oh Israel, manumbalik ka sa Panginoon mong Dios; sapagka't ikaw ay nabuwal dahil sa iyong kasamaan.

Malakias 1:9

At ngayo'y isinasamo ko sa inyo, inyong dalanginin ang lingap ng Dios, upang pagbiyayaan niya tayo; ito'y nangyari sa inyong mga paraan: tatanggapin baga niya ang pagkatao ng sinoman sa inyo? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Mga Taga-Efeso 1:3-5

Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na siyang nagpala sa atin ng bawa't pagpapalang ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo:

Tito 3:3-7

Sapagka't tayo rin naman nang unang panahon ay mga mangmang, mga suwail, mga nadaya, na nagsisipaglingkod sa sarisaring masamang pita at kalayawan, na nangamumuhay sa masasamang akala at kapanaghilian, mga napopoot, at tayo'y nangagkakapootan.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

8 Aking sasalubungin sila na gaya ng oso na ninakawan ng kaniyang mga anak, at aking babakahin ang lamak ng kanilang puso; at doo'y lalamunin ko sila ng gaya ng leon; lalapain sila ng mabangis na hayop. 9 Siyang iyong kapahamakan Oh Israel, na ikaw ay laban sa akin, laban sa iyong katulong. 10 Saan nandoon ngayon ang iyong hari upang mailigtas ka niya sa lahat ng iyong bayan? at ang iyong mga hukom, na iyong pinagsasabihan, Bigyan mo ako ng hari at mga prinsipe?


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org