Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At ako'y babangon laban sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ihihiwalay ko sa Babilonia ang pangalan at ang nalabi, at ang anak at ang anak ng anak, sabi ng Panginoon.

New American Standard Bible

"I will rise up against them," declares the LORD of hosts, "and will cut off from Babylon name and survivors, offspring and posterity," declares the LORD.

Mga Halintulad

1 Mga Hari 14:10

Kaya't, narito ako'y magdadala ng kasamaan sa sangbahayan ni Jeroboam, at aking ihihiwalay kay Jeroboam ang bawa't lalake ang nakukulong, at ang naiwan sa kaluwangan sa Israel, at aking lubos na papalisin ang sangbahayan ni Jeroboam, kung paanong pinapalis ng isang tao ang dumi, hanggang sa mapaalis.

Kawikaan 10:7

Ang alaala sa ganap ay pinagpapala: nguni't ang pangalan ng masama ay mapaparam.

Job 18:16-19

Ang kaniyang mga ugat ay mangatutuyo sa ilalim, at sa ibabaw ay puputulin ang kaniyang sanga.

Isaias 13:5

Sila'y nangagmumula sa malayong lupain, mula sa kaduluduluhang bahagi ng langit, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, at ang mga almas ng kaniyang galit, upang gibain ang buong lupain.

Isaias 21:9

At, narito, dito'y dumarating ang isang pulutong na lalake, mga nangangabayong dalawa't dalawa. At siya'y sumagot at nagsabi, Babilonia ay nabagsak, nabagsak, at lahat na larawang inanyuan na kaniyang mga dios ay nangabagsak sa lupa.

Isaias 43:14

Ganito ang sabi ng Panginoon, na inyong Manunubos, na Banal ng Israel, Dahil sa inyo ay nagsugo ako sa Babilonia, at aking ibababa silang lahat na parang mga palaboy, sa makatuwid baga'y ang mga Caldeo, sa mga sasakyang dagat ng kaniyang kagalakan.

Isaias 47:9-14

Nguni't ang dalawang bagay na ito ay darating sa iyo sa isang sangdali, sa isang araw, ang pagkawala ng mga anak at pagkabao; sa kanilang karamihan ay darating sa iyo, sa karamihan ng iyong panggagaway, at sa totoong kasaganaan ng iyong mga enkanto.

Jeremias 50:26-27

Magsiparoon kayo laban sa kaniya, mula sa kahulihulihang hangganan; inyong buksan ang kaniyang mga kamalig; inyong ihagis na parang mga bunton, at siya'y inyong siraing lubos; huwag maiwanan siya ng anoman.

Jeremias 50:29-35

Inyong pisanin ang mga mamamana laban sa Babilonia, silang lahat na nangagaakma ng busog; magsitayo kayo laban sa kaniya sa palibot; huwag bayaang mangakatanan: inyong gantihin siya ayon sa kaniyang gawa; ayon sa lahat niyang ginawa, gawin ninyo sa kaniya; sapagka't siya'y naging palalo laban sa Panginoon, laban sa Banal ng Israel.

Jeremias 51:3-4

Laban sa kaniya na umaakma ay iakma ng mangbubusog ang kaniyang busog, at sa kaniya na nagmamataas sa kaniyang sapyaw: at huwag ninyong patawarin ang kaniyang mga binata; inyong lipuling lubos ang buo niyang hukbo.

Jeremias 51:56-57

Sapagka't ang manglilipol ay dumating doon, sa Babilonia, at ang mga makapangyarihang lalake niyaon ay nangahuli, ang kanilang mga busog ay nagkaputolputol: sapagka't ang Panginoon ay Dios ng mga kagantihan, siya'y tunay na magbabayad.

Jeremias 51:62-64

At iyong sabihin, Oh Panginoon, ikaw ay nagsalita tungkol sa dakong ito, upang iyong ihiwalay, upang walang tumahan doon, maging tao o hayop man, kundi masisira magpakailan man.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

21 Mangaghanda kayo na pumatay sa kanilang mga anak dahil sa kasamaan ng kanilang mga magulang; upang sila'y huwag magsibangon, at ariin ang lupain, at punuin ang ibabaw ng lupa ng mga bayan. 22 At ako'y babangon laban sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ihihiwalay ko sa Babilonia ang pangalan at ang nalabi, at ang anak at ang anak ng anak, sabi ng Panginoon. 23 Akin namang gagawing pinakaari ng hayop na erizo, at mga lawa ng tubig: at aking papalisin ng pangpalis na kagibaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org