Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Naiwan sa bayan ay kagibaan, at ang pintuang-bayan ay nawasak.

New American Standard Bible

Desolation is left in the city And the gate is battered to ruins.

Mga Halintulad

Isaias 32:14

Sapagka't ang bahay-hari ay mapapabayaan; ang mataong bayan ay magiging ilang; ang burol at ang bantayang moog ay magiging mga pinaka yungib magpakailan man, kagalakan ng mga mailap na asno, pastulan ng mga kawan;

Jeremias 9:11

At aking gagawin na mga bundok ang Jerusalem, na tahanang dako ng mga chakal; at aking sisirain ang mga bayan ng Juda, na walang mananahan.

Panaghoy 1:1

Ano't nakaupong magisa ang bayan na puno ng mga tao! Siya'y naging parang isang bao, na naging dakila sa gitna ng mga bansa! Siya na naging prinsesa sa gitna ng mga lalawigan, ay naging mamumuwis!

Panaghoy 1:4

Ang mga daan ng Sion ay nangagluluksa, sapagka't walang pumaparoon sa takdang kapulungan; lahat niyang pintuang-bayan ay giba, ang mga saserdote niya'y nangagbubuntong-hininga: ang mga dalaga niya ay nangagdadalamhati, at siya'y nasa kahapisan.

Panaghoy 2:9

Ang kaniyang mga pintuang-bayan ay nangabaon sa lupa; kaniyang giniba at nasira ang kaniyang mga halang: ang kaniyang hari at ang kaniyang mga prinsipe ay nangasa gitna ng mga bansa na hindi kinaroroonan ng kautusan; Oo, ang kaniyang mga propeta ay hindi nangakakasumpong ng pangitaing mula sa Panginoon.

Panaghoy 5:18

Dahil sa bundok ng Sion na nasira; nilalakaran ng mga zora.

Mikas 1:9

Sapagka't ang kaniyang mga sugat ay walang kagamutan; sapagka't dumarating hanggang sa Juda; umaabot hanggang sa pintuang-bayan ng aking bansa, hanggang sa Jerusalem.

Mikas 1:12

Sapagka't ang nananahan sa Maroth ay naghihintay na mainam ng ikabubuti, sapagka't ang kasamaan ay bumaba mula sa Panginoon hanggang sa pintuang-bayan ng Jerusalem.

Mateo 22:7

Datapuwa't ang hari ay nagalit; at sinugo ang kaniyang mga hukbo, at pinuksa ang mga mamamataytaong yaon, at sinunog ang kanilang bayan.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

11 May daing sa mga lansangan dahil sa alak; lahat ng kagalakan ay naparam, ang kasayahan sa lupa ay nawala. 12 Naiwan sa bayan ay kagibaan, at ang pintuang-bayan ay nawasak. 13 Sapagka't ganito ang mangyayari sa mga tao sa gitna ng lupain na gaya ng paguga sa isang punong olibo, gaya ng pamumulot ng ubas pagkatapos ng pag-aani.


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org