Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Ako'y nagpahayag, at ako'y nagligtas, at ako'y nagpakilala, at walang ibang dios sa gitna ninyo: kaya't kayo ang aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at ako ang Dios.

New American Standard Bible

"It is I who have declared and saved and proclaimed, And there was no strange god among you; So you are My witnesses," declares the LORD, "And I am God.

Mga Halintulad

Deuteronomio 32:12

Ang Panginoon na magisa ang pumatnubay sa kaniya, At walang ibang dios na kasama siya.

Isaias 43:10

Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko.

Isaias 44:8

Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.

Awit 81:9-10

Hindi magkakaroon ng ibang dios sa iyo; at hindi ka man sasamba sa anomang ibang dios.

Isaias 37:7

Narito, ako'y maglalagay ng espiritu sa kaniya, at siya'y makakarinig ng kaingay, at babalik sa kaniyang sariling lupain; at aking ipabubuwal siya sa pamamagitan ng tabak sa kaniyang sariling lupain.

Isaias 37:20

Ngayon nga, Oh Panginoon naming Dios, iligtas mo kami sa kaniyang kamay, upang makilala ng lahat na kaharian sa lupa, na ikaw ang Panginoon, ikaw lamang.

Isaias 37:35-36

Sapagka't aking ipagsasanggalang ang bayang ito upang iligtas, dahil sa akin, at dahil sa aking lingkod na si David.

Isaias 46:9-10

Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko;

Isaias 48:4-7

Sapagka't nakilala ko, na ikaw ay mapagmatigas, at ang iyong leeg ay parang litid na bakal, at ang iyong noo ay parang tanso:

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

11 Ako, sa makatuwid baga'y ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang tagapagligtas. 12 Ako'y nagpahayag, at ako'y nagligtas, at ako'y nagpakilala, at walang ibang dios sa gitna ninyo: kaya't kayo ang aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at ako ang Dios. 13 Oo, mula nang magkaroon ng araw ay ako nga; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay: ako'y gagawa, at sinong pipigil?

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org