Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya'y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya'y nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako'y naiinitan, aking nakita ang apoy:
New American Standard Bible
Half of it he burns in the fire; over this half he eats meat as he roasts a roast and is satisfied. He also warms himself and says, "Aha! I am warm, I have seen the fire."
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
15 Kung magkagayo'y ilalaan sa tao upang ipanggatong; at kumukuha siya niyaon, at nagpapainit; oo, kaniyang pinaliliyaban yaon, at ipinagluluto ng tinapay: oo, kaniyang ginagawang isang dios, at sinasamba; ginagawa niyang larawang inanyuan, at pinagpapatirapaan. 16 Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya'y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya'y nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako'y naiinitan, aking nakita ang apoy: 17 At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga'y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka't ikaw ay aking dios.