Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Iyong alalahanin ang mga bagay na ito, Oh Jacob, at Israel; sapagka't ikaw ay aking lingkod: aking inanyuan ka; ikaw ay aking lingkod: Oh Israel, ikaw ay hindi ko malilimutan.

New American Standard Bible

"Remember these things, O Jacob, And Israel, for you are My servant; I have formed you, you are My servant, O Israel, you will not be forgotten by Me.

Mga Halintulad

Isaias 44:1-2

Gayon ma'y dinggin mo ngayon, Oh Jacob na aking lingkod, at Israel, na aking pinili:

Isaias 43:15

Ako ang Panginoon, na inyong Banal, ang Maylalang ng Israel, na inyong Hari.

Deuteronomio 4:9

Magingat ka lamang sa iyong sarili, at ingatan mo ang iyong kaluluwa ng buong sikap, baka iyong malimutan ang mga bagay na nakita ng iyong mga mata, at baka mangahiwalay sa iyong puso ang lahat ng araw ng iyong buhay; kundi iyong ipakilala sa iyong mga anak at sa mga anak ng iyong mga anak;

Deuteronomio 4:23

Mangagingat nga kayo, baka inyong malimutan ang tipan ng Panginoon ninyong Dios, na kaniyang pinagtibay sa inyo, at kayo'y gumawa ng larawang inanyuan na kahawig ng anomang bagay na ipinagbawal sa iyo ng Panginoon mong Dios.

Deuteronomio 31:19-21

Ngayon nga'y sulatin ninyo sa ganang inyo ang awit na ito, at ituro mo sa mga anak ni Israel: ilagay mo sa kanilang mga bibig, upang ang awit na ito'y maging saksi sa akin laban sa mga anak ni Israel.

Deuteronomio 32:18

Sa Batong nanganak sa iyo, ay nagwalang bahala ka, At iyong kinalimutan ang Dios na lumalang sa iyo.

Isaias 41:8-9

Nguni't ikaw, Israel, lingkod ko, Jacob na siyang aking pinili, na binhi ni Abraham na aking kaibigan;

Isaias 42:23

Sino sa gitna ninyo ang makikinig nito? na makikinig at didinig para sa panahong darating?

Isaias 43:1

Nguni't ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, Oh Jacob, at naganyo sa iyo, Oh Israel, Ikaw ay huwag matakot, sapagka't tinubos kita; tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.

Isaias 43:7

Bawa't tinatawag sa aking pangalan, at yaong aking nilikha ay sa aking kaluwalhatian, yaong aking inanyuan oo, yaong aking ginawa.

Isaias 46:8-9

Inyong alalahanin ito, at mangagpakalalake kayo: isaisip ninyo uli, Oh ninyong mga mananalangsang.

Isaias 49:15-16

Malilimutan ba ng babae ang kaniyang batang pasusuhin; na siya'y hindi mahahabag sa anak ng kaniyang bahay-bata? oo, ito'y makalilimot, nguni't hindi kita kalilimutan.

Zacarias 10:9

At aking pangangalatin sila sa gitna ng mga bansa; at aalalahanin nila ako sa mga malayong lupain; at sila'y nagsisitahang kasama ng kanilang mga anak, at magsisipagbalik.

Mga Taga-Roma 11:28-29

Tungkol sa evangelio, ay mga kaaway sila dahil sa inyo: datapuwa't tungkol sa pagkahirang, ay mga pinakaiibig sila dahil sa mga magulang.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

20 Siya'y kumain ng abo: iniligaw siya ng nadayang puso, at hindi niya mailigtas ang kaniyang kaluluwa, o makapagsabi, Wala bagang kabulaanan sa aking kanang kamay? 21 Iyong alalahanin ang mga bagay na ito, Oh Jacob, at Israel; sapagka't ikaw ay aking lingkod: aking inanyuan ka; ikaw ay aking lingkod: Oh Israel, ikaw ay hindi ko malilimutan. 22 Aking pinawi na parang masinsing ulap ang iyong mga pagsalangsang, at, parang alapaap, ang iyong mga kasalanan: manumbalik ka sa akin; sapagka't tinubos kita.

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org