Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At sa likod ng mga pintuan at ng mga tukod ay itinaas mo ang iyong alaala: sapagka't ikaw ay nagpakahubad sa iba kay sa akin, at ikaw ay sumampa; iyong pinalaki ang iyong higaan, at nakipagtipan ka sa kanila: iyong inibig ang kanilang higaan saan mo man makita.

New American Standard Bible

"Behind the door and the doorpost You have set up your sign; Indeed, far removed from Me, you have uncovered yourself, And have gone up and made your bed wide. And you have made an agreement for yourself with them, You have loved their bed, You have looked on their manhood.

Mga Halintulad

Ezekiel 8:8-12

Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, humukay ka ngayon sa pader: at nang ako'y humukay sa pader, narito, ang isang pintuan.

Ezekiel 16:25-28

Itinayo mo ang iyong mataas na dako sa bawa't bukana ng daan, at ginawa mong kasuklamsuklam ang iyong kagandahan, at ibinuka mo ang iyong mga paa sa bawa't nagdaraan, at pinarami mo ang iyong pakikiapid.

Ezekiel 16:32

Isang babae na napakakalunya! na tumatanggap sa iba na kahalili ng kaniyang asawa!

Ezekiel 23:2-20

Anak ng tao, may dalawang babae, na mga anak na babae ng isang ina:

Ezekiel 23:41

At naupo ka sa isang mainam na higaan, na may dulang na nakahanda sa harap niyaon, na siya mong pinaglapagan ng aking kamangyan at aking langis.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

7 Sa isang mataas at matayog na bundok ay inilagay mo ang iyong higaan; doon ka naman sumampa upang maghandog ng hain. 8 At sa likod ng mga pintuan at ng mga tukod ay itinaas mo ang iyong alaala: sapagka't ikaw ay nagpakahubad sa iba kay sa akin, at ikaw ay sumampa; iyong pinalaki ang iyong higaan, at nakipagtipan ka sa kanila: iyong inibig ang kanilang higaan saan mo man makita. 9 At ikaw ay naparoon sa hari na may pahid na langis, at iyong pinarami ang iyong mga pabango, at iyong sinugo ang iyong mga sugo sa malayo, at ikaw ay nagpakababa hanggang sa Sheol.

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org