Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Sapagka't ang pangulo ng Siria ay ang Damasco, at ang pangulo ng Damasco ay ang Rezin: at sa loob ng anim na pu't limang taon ay magkakawatakwatak ang Ephraim, upang huwag maging bayan:
New American Standard Bible
"For the head of Aram is Damascus and the head of Damascus is Rezin (now within another 65 years Ephraim will be shattered, so that it is no longer a people),
Mga Paksa
Mga Halintulad
Isaias 17:1-3
Ang hula tungkol sa Damasco. Narito, ang Damasco ay naalis sa pagkabayan, at magiging isang buntong ginto.
Genesis 14:15
At sila'y nangagpangkatpangkat sa kinagabihan, laban sa kaaway, siya at ang kaniyang mga alipin, at kanilang sinaktan sila, at hinabol nila sila hanggang sa Hobah, na nasa kaliwa ng Damasco.
2 Samuel 8:6
Nang magkagayo'y naglagay si David ng mga pulutong sa Siria sa Damasco: at ang mga taga Siria ay nangaging mga alipin ni David, at nagsipagdala ng mga kaloob. At pinapagtagumpay ng Panginoon si David saan man siya pumaroon.
2 Mga Hari 17:5-23
Nang magkagayon ay umahon ang hari sa Asiria sa buong lupain, at umahon sa Samaria, at kinulong na tatlong taon.
Ezra 4:2
Nagsilapit nga sila kay Zorobabel, at sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, at nangagsabi sa kanila, Papagtayuin ninyo kami na kasama ninyo: sapagka't aming hinahanap ang inyong Dios, na gaya ng inyong ginagawa; at kami ay nangaghahain sa kaniya mula ng mga kaarawan ni Esar-haddon na hari sa Asiria, na nagahon sa amin dito.
Isaias 8:4
Sapagka't bago ang anak ay matutong dumaing ng, Ama ko, at: Ina ko, ang mga kayamanan ng Damasco at ang samsam sa Samaria ay dadalahin sa harap ng hari ng Asiria.
Hosea 1:6-10
At siya'y naglihi uli, at nanganak ng isang babae. At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Lo-ruhama; sapagka't hindi na ako magdadalang habag sa sangbahayan ni Israel, na sa anoman ay hindi ko patatawarin sila.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
7 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Hindi matatayo o mangyayari man. 8 Sapagka't ang pangulo ng Siria ay ang Damasco, at ang pangulo ng Damasco ay ang Rezin: at sa loob ng anim na pu't limang taon ay magkakawatakwatak ang Ephraim, upang huwag maging bayan: 9 At ang pangulo ng Ephraim ay ang Samaria, at ang pangulo ng Samaria ay ang anak ni Remalias. Kung kayo'y hindi maniniwala, tunay na hindi kayo mangatatatag.