Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Ikaw ba ang unang tao na ipinanganak? O nalabas ka bang una kay sa mga burol?

New American Standard Bible

"Were you the first man to be born, Or were you brought forth before the hills?

Mga Halintulad

Awit 90:2

Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.

Genesis 4:1

At nakilala ng lalake si Eva na kaniyang asawa; at siya'y naglihi at ipinanganak si Cain, at sinabi, Nagkaanak ako ng lalake sa tulong ng Panginoon.

Job 12:12

Nasa mga matanda ang karunungan, at sa kagulangan ang unawa.

Job 15:10

Kasama namin ay mga ulong may uban, at mga totoong napakatandang tao, matandang makapupo kay sa iyong ama.

Job 38:4-41

Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa? Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa.

Kawikaan 8:22-25

Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

6 Ang iyong sariling bibig ang humahatol laban sa iyo, at hindi ako; Oo, ang iyong sariling mga labi ay nagpapatotoo laban sa iyo. 7 Ikaw ba ang unang tao na ipinanganak? O nalabas ka bang una kay sa mga burol? 8 Iyo bang narinig ang lihim na payo ng Dios? At ikaw ba'y nagpigil ng karunungan sa iyong sarili?


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org