Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Ihahayag ng mga langit ang kaniyang kasamaan, at ang lupa ay babangon laban sa kaniya.

New American Standard Bible

"The heavens will reveal his iniquity, And the earth will rise up against him.

Mga Halintulad

Job 16:18

Oh lupa, huwag mong tabunan ang aking dugo, at huwag magkaroon ng pahingahang dako ang aking daing.

Isaias 26:21

Sapagka't, narito, ang Panginoon ay lumalabas mula sa kaniyang dako upang parusahan ang mga nananahan sa lupa dahil sa kanilang kasamaan: ililitaw naman ng lupa ang kaniyang dugo, at hindi na tatakpan ang kaniyang nangapatay.

Deuteronomio 31:28

Pulungin mo ang mga matanda sa iyong mga lipi at ang inyong mga pinuno upang masalita ko ang mga salitang ito sa kanilang pakinig, at matawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa kanila.

Job 18:18

Siya'y ihahatid sa kadiliman mula sa liwanag, at itatapon sa labas ng sanglibutan.

Awit 44:20-21

Kung aming nilimot ang pangalan ng aming Dios, O aming iniunat ang aming mga kamay sa ibang dios;

Jeremias 29:23

Sapagka't sila'y gumawang may kamangmangan sa Israel, at nangalunya sa mga asawa ng kanilang mga kapuwa, at nangagsalita ng mga salita sa aking pangalan na may kasinungalingan, na hindi ko iniutos sa kanila; at ako ang siyang nakakakilala, at ako'y saksi, sabi ng Panginoon.

Malakias 3:5

At aking lalapitan kayo sa kahatulan; at ako'y magiging maliksing saksi laban sa mga manghuhula, at laban sa mga mangangalunya, at laban sa mga sinungaling na manunumpa, at laban doon sa nagsisipighati sa mangaaraw sa kaniyang mga kaupahan, sa babaing bao, at sa ulila, at sa nagliligaw sa taga ibang lupa mula sa kaniyang matuwid, at hindi natatakot sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Lucas 12:2-3

Datapuwa't walang bagay na natatakpan, na hindi mahahayag: at natatago, na hindi malalaman.

Mga Taga-Roma 2:16

Sa araw na hahatulan ng Dios ang mga lihim ng mga tao, ayon sa aking evangelio, sa pamamagitan ni Jesucristo.

1 Corinto 4:5

Kaya nga huwag muna kayong magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso; at kung magkagayon ang bawa't isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

26 Lahat na kadiliman ay nalalagay na mga pinakakayamanan niya; isang apoy na hindi hinipan ng tao ay susupok sa kaniya: susupukin niyaon ang naiwan sa kaniyang tolda. 27 Ihahayag ng mga langit ang kaniyang kasamaan, at ang lupa ay babangon laban sa kaniya. 28 Ang pakinabang ng kaniyang bahay ay yayaon, ang kaniyang mga pag-aari ay huhuho sa kaarawan ng kaniyang kapootan.


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org