Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Bakal ay hinuhukay sa lupa, at tanso ay binububo mula sa bato.
New American Standard Bible
"Iron is taken from the dust, And copper is smelted from rock.
Mga Halintulad
Deuteronomio 8:9
Lupain na kakainan mo ng tinapay na di kapos, na walang magkukulang sa iyo roon; lupain na ang mga bato ay bakal, at ang kaniyang mga burol ay makukunan mo ng tanso.
Genesis 4:22
At tungkol kay Zilla, ay ipinanganak naman niya si Tubal-Cain na mamamanday ng lahat na kagamitang patalim na tanso at bakal: at ang kapatid na babae ni Tubal-Cain ay si Naama.
Mga Bilang 31:22
Gayon ma'y ang ginto at ang pilak, ang tanso, ang bakal, ang lata, at ang tingga,
1 Paralipomeno 22:14
Ngayon, narito, sa aking karalitaan ay ipinaghanda ko ang bahay ng Panginoon ng isang daang libong talentong ginto, at isang libong libong talentong pilak; at ng tanso at bakal na walang timbang; dahil sa kasaganaan: gayon din ng kahoy at bato ay naghanda ako; at iyong madadagdagan.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
1 Tunay na may mina na mayroong pilak, at dako na ukol sa ginto na kanilang pinagdadalisayan. 2 Bakal ay hinuhukay sa lupa, at tanso ay binububo mula sa bato. 3 Ang tao'y naglalagay ng wakas sa kadiliman, at sumisiyasat hanggang sa kalayulayuang hangganan ng mga bato ng kadiliman at salimuot na kadiliman.