Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at ipangaral mo ang pangaral na aking iniutos sa iyo.

New American Standard Bible

"Arise, go to Nineveh the great city and proclaim to it the proclamation which I am going to tell you."

Mga Halintulad

Ezekiel 2:7

At iyong sasalitain ang aking mga salita sa kanila, sa didinggin, o sa itatakuwil man; sapagka't sila'y totoong mapanghimagsik.

Jeremias 1:17

Ikaw nga'y magbigkis ng iyong mga balakang, at ikaw ay bumangon, at salitain mo sa kanila ang lahat na iniuutos ko sa iyo: huwag kang manglupaypay sa kanila, baka ikaw ay panglupaypayin ko sa harap nila.

Jonas 1:2

Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at humiyaw ka laban doon; sapagka't ang kanilang kasamaan ay umabot sa harap ko.

Jeremias 15:19-21

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Kung ikaw ay magbalikloob, papananauliin nga kita upang ikaw ay makatayo sa harap ko; at kung iyong ihiwalay ang may halaga sa walang halaga, ikaw ay magiging parang aking bibig: sila'y manunumbalik sa iyo, nguni't hindi ka manunumbalik sa kanila.

Ezekiel 3:17

Anak ng tao, ginawa kitang bantay sa sangbahayan ni Israel: kaya't pakinggan mo ang salita sa aking bibig, at ipanguna mo sa kanila sa ganang akin.

Jonas 3:3

Sa gayo'y bumangon si Jonas, at naparoon sa Ninive, ayon sa salita ng Panginoon. Ang Ninive nga ay totoong malaking bayan, na tatlong araw na lakarin.

Sofonias 2:13-15

At kaniyang iuunat ang kaniyang kamay laban sa hilagaan, at gigibain ang Asiria, at ang Nineve ay sisirain, at tutuyuing gaya ng ilang.

Mateo 3:8

Kayo nga'y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi:

Juan 5:14

Pagkatapos ay nasumpungan siya ni Jesus sa templo, at sa kaniya'y sinabi, Narito, ikaw ay gumaling na: huwag ka nang magkasala, baka mangyari pa sa iyo ang lalong masama.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

1 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jonas na ikalawa, na nagsasabi, 2 Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at ipangaral mo ang pangaral na aking iniutos sa iyo. 3 Sa gayo'y bumangon si Jonas, at naparoon sa Ninive, ayon sa salita ng Panginoon. Ang Ninive nga ay totoong malaking bayan, na tatlong araw na lakarin.

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org