Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Bawa't dakong tuntungan ng talampakan ng inyong paa, ay naibigay ko na sa inyo, gaya ng sinalita ko kay Moises.
New American Standard Bible
"Every place on which the sole of your foot treads, I have given it to you, just as I spoke to Moses.
Mga Paksa
Mga Halintulad
Deuteronomio 11:24
Bawa't dakong tutuntungan ng talampakan ng inyong paa ay magiging inyo: mula sa ilang, at sa Libano, mula sa ilog, sa ilog Eufrates, hanggang sa dagat kalunuran ay magiging inyong hangganan.
Josue 14:9
At si Moises ay sumumpa nang araw na yaon, na nagsasabi, Tunay na ang lupain na tinuntungan ng iyong paa ay magiging isang mana sa iyo at sa iyong mga anak magpakailan man, sapagka't sumunod kang lubos sa Panginoon kong Dios.
Tito 1:2
Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan;
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
2 Si Moises na aking lingkod ay patay na; ngayon nga'y tumindig ka, tumawid ka sa Jordang ito, ikaw, at ang buong bayang ito, hanggang sa lupain na aking ibinibigay sa kanila, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Israel. 3 Bawa't dakong tuntungan ng talampakan ng inyong paa, ay naibigay ko na sa inyo, gaya ng sinalita ko kay Moises. 4 Mula sa ilang, at ang Libanong ito, hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates, buong lupain ng mga Hetheo, at hanggang sa malaking dagat sa dakong nilulubugan ng araw, ay magiging inyong hangganan.