Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At ang Galaad, at ang hangganan ng mga Gessureo at ng mga Maachateo at ang buong bundok ng Hermon, at ang buong Basan hanggang sa Salca;
New American Standard Bible
and Gilead, and the territory of the Geshurites and Maacathites, and all Mount Hermon, and all Bashan as far as Salecah;
Mga Halintulad
Deuteronomio 4:47-48
At kanilang sinakop ang kaniyang lupain na pinakaari, at ang lupain ni Og na hari sa Basan, ang dalawang hari ng mga Amorrheo, na nangasa dako pa roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw;
Josue 12:2-5
Si Sehon na hari ng mga Amorrheo, na nanahan sa Hesbon at nagpuno mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon at ang bayan na nasa gitna ng libis, at ang kalahati ng Galaad, hanggang sa ilog Jaboc, na hangganan ng mga anak ni Ammon;
1 Paralipomeno 2:23
At sinakop ni Gesur at ni Aram ang mga bayan ni Jair sa kanila, pati ng Cenath, at ang mga nayon niyaon, sa makatuwid baga'y anim na pung bayan. Lahat ng ito'y mga anak ni Machir na ama ni Galaad.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
10 At ang lahat na bayan ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, na naghahari sa Hesbon hanggang sa hangganan ng mga anak ni Ammon; 11 At ang Galaad, at ang hangganan ng mga Gessureo at ng mga Maachateo at ang buong bundok ng Hermon, at ang buong Basan hanggang sa Salca; 12 Ang buong kaharian ni Og sa Basan, na naghari sa Astaroth at sa Edrei (na siyang naiwang labi sa mga Rephaim); sapagka't sinaktan ang mga ito ni Moises at mga itinaboy.