Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At ang hangganan ay palabas sa siping ng Ecron na dakong hilagaan; at ang hangganan ay paabot sa Sicheron, at patuloy sa bundok ng Baala, at palabas sa Jabneel; at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat.
New American Standard Bible
The border proceeded to the side of Ekron northward. Then the border curved to Shikkeron and continued to Mount Baalah and proceeded to Jabneel, and the border ended at the sea.
Mga Halintulad
Josue 15:45
Ecron at ang mga bayan niyaon, at ang mga nayon niyaon:
Josue 19:43-44
At Elon, at Timnath, at Ecron,
1 Samuel 5:10
Sa gayo'y kanilang ipinadala ang kaban ng Dios sa Ecron. At nangyari, pagdating ng kaban ng Dios sa Ecron, na ang mga Ecronita ay sumigaw, na nagsasabi, Kanilang dinala sa atin ang kaban ng Dios ng Israel, upang patayin tayo at ang ating bayan.
1 Samuel 7:14
At ang mga bayan na sinakop ng mga Filisteo sa Israel ay nasauli sa Israel, mula sa Ecron hanggang sa Gath; at ang mga hangganan niyaon ay pinapaging laya ng Israel sa kamay ng mga Filisteo. At nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng Israel at ng mga Amorrheo.
2 Mga Hari 1:2-3
At si Ochozias ay nahulog sa silahia sa kaniyang silid sa itaas na nasa Samaria, at nagkasakit: at siya'y nagsugo ng mga sugo, at nagsabi sa kanila, Kayo ay magsiyaon, usisain ninyo kay Baal-zebub, na dios sa Ecron, kung ako'y gagaling sa sakit na ito.
2 Mga Hari 1:6
At sinabi nila sa kaniya, May umahong isang lalake na sinalubong kami, at sinabi sa amin, Kayo'y magsiyaon, magsibalik kayo sa hari na nagsugo sa inyo, at sabihin ninyo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Dahil ba sa walang Dios sa Israel na kaya ikaw ay nagsusugo upang magusisa kay Baal-zebub na dios sa Ecron? Kaya't hindi ka bababa sa higaan na iyong sinampahan, kundi walang pagsalang ikaw ay mamamatay.
2 Mga Hari 1:16
At sinabi niya sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon: Yamang ikaw ay nagsugo ng mga sugo upang magusisa kay Baal-zebub na dios sa Ecron, dahil ba sa walang Dios sa Israel na mapaguusisaan ng kaniyang salita? kaya't hindi ka bababa sa higaan na iyong sinampahan, kundi walang pagsalang mamamatay ka.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
10 At ang hangganan ay paliko mula sa Baala sa dakong kalunuran sa bundok ng Seir, at patuloy sa tabi ng bundok Jearim sa hilagaan (na siya ring Chesalon), at pababa sa Beth-semes at patuloy sa Timna. 11 At ang hangganan ay palabas sa siping ng Ecron na dakong hilagaan; at ang hangganan ay paabot sa Sicheron, at patuloy sa bundok ng Baala, at palabas sa Jabneel; at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat. 12 At ang hangganang kalunuran ay ang malaking dagat, at ang hangganan niyaon. Ito ang hangganan ng mga anak ni Juda sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan.