Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Nang magkagayo'y lumapit ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita kay Eleazar na saserdote, at kay Josue na anak ni Nun at sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel;
New American Standard Bible
Then the heads of households of the Levites approached Eleazar the priest, and Joshua the son of Nun, and the heads of households of the tribes of the sons of Israel.
Mga Halintulad
Josue 14:1
At ito ang mga mana na sinakop ng mga anak ni Israel sa lupain ng Canaan, na binahagi sa kanila ni Eleazar na saserdote, at ni Josue na anak ni Nun, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel,
Josue 17:4
At sila'y lumapit sa harap ni Eleazar na saserdote at sa harap ni Josue na anak ni Nun, at sa harap ng mga prinsipe, na sinasabi, Iniutos ng Panginoon kay Moises na bigyan kami ng mana sa gitna ng aming mga kapatid: kaya't ayon sa utos ng Panginoon ay binigyan niya sila ng mana sa gitna ng mga kapatid ng kanilang ama.
Josue 19:51
Ito ang mga mana na binahagi ni Eleazar na saserdote at ni Josue na anak ni Nun, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel na pinakamana, sa pamamagitan ng pagsasapalaran sa Silo sa harap ng Panginoon sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. Gayon nila niwakasan ang pagbabahagi ng lupain.
Exodo 6:14
Ito ang mga pangulo sa mga angkan ng kanilang mga magulang; ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel; si Hanoch, at si Phallu, at si Hezron, at si Carmi: ito ang mga angkan ni Ruben.
Exodo 6:25
At si Eleazar na anak ni Aaron, ay nagasawa sa isa sa mga anak ni Phutiel; at ipinanganak niya si Phinees. Ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita ayon sa kanilang mga angkan.
Mga Bilang 34:17-29
Ito ang mga pangalan ng mga lalake na magbabahagi ng lupain sa inyo na pinakamana: si Eleazar na saserdote, at si Josue na anak ni Nun.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
1 Nang magkagayo'y lumapit ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita kay Eleazar na saserdote, at kay Josue na anak ni Nun at sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel; 2 At sila'y nagsalita sa kanila sa Silo, sa lupain ng Canaan, na sinasabi, Ang Panginoon ay nagutos sa pamamagitan ni Moises, na bigyan kami ng mga bayan na matatahanan, pati ng mga nayon niyaon para sa aming hayop.