Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo'y mga dios?

New American Standard Bible

Jesus answered them, "Has it not been written in your Law, 'I SAID, YOU ARE GODS'?

Mga Halintulad

Juan 15:25

Nguni't nangyari ito, upang matupad ang salitang nasusulat sa kanilang kautusan, Ako'y kinapootan nila na walang kadahilanan.

Exodo 4:16

At siya ang makikipagusap sa lagay mo sa bayan: at mangyayari na siya'y magiging sa iyo'y bibig, at ikaw ay magiging sa kaniya'y parang Dios.

Exodo 7:1

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Tingnan mo, ginawa kitang dios kay Faraon: at si Aaron na iyong kapatid ay magiging iyong propeta.

Exodo 22:28

Huwag mong lalapastanganin ang Dios, ni susumpain man ang pinuno sa iyong bayan.

Awit 82:1

Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios; siya'y humahatol sa gitna ng mga dios.

Awit 82:6-7

Aking sinabi, Kayo'y mga dios, at kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan.

Awit 138:1

Ako'y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso: sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.

Juan 8:17

Oo, at sa inyong kautusan ay nasusulat, na ang patotoo ng dalawang tao ay totoo.

Juan 12:34

Sinagot nga siya ng karamihan, Aming narinig sa kautusan na ang Cristo ay lumalagi magpakailan man: at paanong sinasabi mo, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay mataas? sino ang Anak ng taong ito?

Mga Taga-Roma 3:10-19

Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa;

1 Corinto 14:21

Sa kautusan ay nasusulat, sa pamamagitan ng mga taong may iba't ibang wika, at sa pamamagitan ng mga labi ng mga taga ibang lupa ay magsasalita ako, sa bayang ito: at gayon ma'y hindi ako pakikinggan nila, ang sabi ng Panginoon.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

33 Sinagot siya ng mga Judio, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong; at sapagka't ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Dios. 34 Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo'y mga dios? 35 Kung tinawag niyang mga dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan),

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org