Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At bumabautismo rin naman si Juan sa Enon na malapit sa Salim, sapagka't doo'y maraming tubig: at sila'y nagsiparoon, at nangabautismuhan.
New American Standard Bible
John also was baptizing in Aenon near Salim, because there was much water there; and people were coming and were being baptized--
Mga Halintulad
Genesis 33:18
At dumating si Jacob na payapa sa bayan ng Sichem, na nasa lupain ng Canaan, nang siya'y manggaling sa Padan-aram; at siya'y humantong sa tapat ng bayan.
1 Samuel 9:4
At siya'y nagdaan sa lupaing maburol ng Ephraim, at nagdaan sa lupain ng Salisa, nguni't hindi nila nangasumpungan: nang magkagayo'y nagdaan sila sa lupain ng Saalim, at wala roon: at sila'y nagdaan sa lupain ng mga Benjamita, nguni't hindi nila nangasumpungan doon.
Jeremias 51:13
Oh ikaw na tumatahan sa ibabaw ng maraming tubig, sagana sa mga kayamanan, ang iyong wakas ay dumating, ang sukat ng iyong kasakiman.
Ezekiel 19:10
Ang inyong ina ay parang puno ng ubas sa iyong dugo, na natanim sa tabi ng tubig: siya'y mabunga at puno ng mga sanga, dahil sa maraming tubig.
Ezekiel 43:2
At, narito, ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nanggagaling sa dakong silanganan: at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig; at ang lupa ay nagningning sa kaniyang kaluwalhatian.
Mateo 3:5-6
Nang magkagayo'y nilabas siya ng Jerusalem, at ng buong Judea, at ng buong lupain sa palibotlibot ng Jordan;
Marcos 1:4-5
Dumating si Juan, na nagbabautismo sa ilang at ipinangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
Lucas 3:7
Sinasabi nga niya sa mga karamihang nagsisilabas upang mangagpabautismo sa kaniya, Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang sa inyo'y nagudyok upang tumakas sa galit na darating?
Pahayag 1:15
At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig.
Pahayag 14:2
At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog: at ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog ng alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa:
Pahayag 19:6
At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi, Aleluya: sapagka't naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
22 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nagsiparoon si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa lupain ng Judea; at doon siya tumira na kasama nila, at bumabautismo. 23 At bumabautismo rin naman si Juan sa Enon na malapit sa Salim, sapagka't doo'y maraming tubig: at sila'y nagsiparoon, at nangabautismuhan. 24 Sapagka't hindi pa ipinapasok sa bilangguan si Juan.