Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At lumalaki ang dagat dahil sa isang malakas na hanging humihihip.
New American Standard Bible
The sea began to be stirred up because a strong wind was blowing.
Mga Halintulad
Awit 107:25
Sapagka't siya'y naguutos, at nagpapaunos, na nagbabangon ng mga alon niyaon.
Awit 135:7
Kaniyang pinailanglang ang mga singaw na mula sa mga wakas ng lupa; kaniyang ginagawa ang mga kidlat na ukol sa ulan; kaniyang inilalabas ang hangin mula sa kaniyang mga ingatang-yaman.
Mateo 14:24
Datapuwa't ang daong ay nasa gitna na ng dagat, na hinahampas ng mga alon; sapagka't pasalungat sa hangin.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
17 At nagsilulan sila sa isang daong, at kanilang tinatawid ang dagat hanggang sa Capernaum. At madilim na nga, at hindi dumarating sa kanila si Jesus. 18 At lumalaki ang dagat dahil sa isang malakas na hanging humihihip. 19 Nang sila nga'y mangakagaod na ng may dalawangpu't lima o tatlongpung estadio, ay kanilang nakita si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat, at lumalapit sa daong: at sila'y nangahintakutan.